EYA'S POVMay bahay pala sya dito sa Baguio. Maganda ito at puro kahoy ang ginamit. Nakakarelax ang atmospher dito.
''Sa taas yung mga kwarto. Madami yun pili kana lang!'' Aniya nang maibaba na niya ang mga gamit namin. Dinampot ko ang bag ko.
''Sige!'' Sabi ko at nag lakad na patungo sa taas.
''Eya!'' Huminto ako at nilingon siya.
''I love you!'' Biglang nag-init ang mga pisnge ko.
''Wala bang I love you Lay?'' Lalo akong nahiya.
''I love you Lay!'' Ngumiti siya.
''Sige panhik kana!'' Tumango ako at tumalikod na sa kanya.
Hindi ko akalaing sa pag lalayas kung ito ay makakatagpo ako ng lalaking mahal na mahal ako at mamahalin ko.
Naligo ako at pagkatapos bumaba na ako ulit. Naka padyama ako... ready to sleep.
Patungo na ako sa kusina nakita ko si Lay nanakatalikod. Tatawagin ko sana sya peru napansin kung may kausap pala sya sa phone.
''Yeah dude! Nakahanap na ako.'' Sabi ni Lay.
''Hindi na matutuloy yung lintik na kasalan nayan dahil nakahanap na ako nang babae!'' Anu? Ginamit nya lang ako? Gagamitin nya lang ako? Walang ya sya.
Agad na bumagsak ang mga luha ko. Ang sakit sakit! Patayin ko kaya sya sh1t!
''Salamat sa maganda mong plano at makakaligtas na ako sa lintik na kasal na yun! Hahaha. Oo madali lang naman akung nakahanap ng babaeng...'' agad ko syang sinampal nang lumingon siya. Tumalsik ang cellphone nya at namula ang pisngi nya.
Agad akong tumakbo pabalik sa kwarto.
''Eya... open it! Let me explaine!'' Sunod sunod na katok ang ginawa niya.
Binuksan ko ng pabigla yung pinto at lumabas dala ang bag ko. Hindi ko na nagawang mag palit ng damit. Ang sakit sakit nang nararamdaman ko at kailangan ko ng umalis!
''Eya please...'' hinawakan niya ang braso ko. Hinarap ko siya at sinampal ulit.
Wala akung imik dahil hindi ko kayang mag salita. Peru kunti nalang puputok na ang puso ko. Ang sakit sakit. Ang tanga tanga ko sh1t.
''Eya please makinig ka muna sakin please!'' Sinundan niya ako.
''Gabi na Eya dilikado na wag ka umalis please!!'' Hinarap ko sya.
''Dilikado? Ikaw ang dilikado! Manluluko, walang ya ka, manggagamit ka!'' Tinulak ko sya peru hindi sya natinag.
''Subukan mong sumunod babarilin kita!'' Sabi ko dito at pinahid ang mga luha ko.
Pag-alis ko ng bahay niya bumuhos na ang mga luha ko at lalo kung naramdaman ang sakit. Bakit ganto kasakit? Napaka sinungaling niya.
Hindi nya din ako talaga sinundan. Hindi ko alam kung maganda bang hindi sya sumunod o mas masakit yun.
_
Habang nasa bus, binuksan ko ang phone ko. Full charge parin ito. Pinahid ko ang luha ko.
Agad dumating ang napakaraming message. At bigla ding may tumawag.
Huminga muna ako ng malalim bago ito sinagot.
''Mommy?'' Malamya kung sagot.
''Hello? Anak asan kaba? Ang dami kung tawag sayo? Nag-aalala na ang daddy mo!'' Halata ang pag-aalala ng tinig nito.
''Ammabella!! Umuwi kana! Asan kaba?'' Galit naman ang tinig ni daddy.
''Opo! Pauwi na ako!'' Agad kung pinatay ang phone ko. Tama uuwi na ako. Dapat hindi na ako umalis! Dapat hindi.
''Where have you been?'' Yan agad ang bumungad sakin pag kadating ko. Tanghali na.
''Tama na dad!'' Awat sa kanya ni mommy.
''Go to your room at wag kang lalabas hanggang hindi ko sinasabi! GO!!'' Nakayuko akung lumakad at nilagpasan sila. Nilock ko ang kwarto ko at umiyak ng umiyak. Sa sakit na dulot ni Lay at sa sakit na dulot ng pamilya ko.
''Anak!'' Nagulat ako nang maaninag ko si mommy na nasa tabi ko.
May secret key sya kaya makakapasok yan agad.
''Pag pasinsyahan mo na ang daddy mo huh? Sobrang nag-alala lang yun sa ginawa mong pag layas. Minsan ang taong mahal ka ng sobra sa galit dinadaan ang takot. Natakot sya anak. Nag-iisa ka naming anak kaya natakot ang daddy mo na mawala ka samin.'' Lalo akung naiyak sa mga sinabi ni mommy.
Tumayo ako at agad syang niyakap.
''Mommy... could you leave me alone? Just now?'' Kumalas sya sapag kakayakap namin at hinalikan ako sa noo.
Pag kalabas niya ng kwarto ko naiyak na talaga ako ng tuluyan. Hanggang sa makatulog na ako.
To be continue...
BINABASA MO ANG
ROADTRIP
FanfictionYou will find your true love in unexpected time, situation and momment!