Chapter 5: Team R

23 2 0
                                    

Mga 8 na nagsimula ang program pinapapunta na kami sa kanya kanyang area namin. Syempre magkasama kami ni allysa sa team r. Nagsimula munang magpakilala ung leader namin na dun na pala napasok I was so impress kasi ang galing nyang mag english pero mabait din naman . Hanggang sa isa isa na kaming nagpakilala .Syempre nung magpapakilala na ako andyan na naman ang mga daga hayyyssss kailan kaya sila aalis sa dibdib ko.

Pinatawag lahat ng leader sa unahan para malaman ang task na gagawin pagbalik ng leader namin dala ang flag na r ng may biglang dumating na lalaki. Nashock ako kasi parang familiar ung boy na yun napatanong ako sa sarili ko sya ba ung nakita ko sa panaginip ko at sya ba rin ung nakita ko nung time na magpapareserved ako .

Nung mga panahon na yun para akong may super powers n tila ba nakita ko lahat ng personality nya sa isang iglap. Mabait, matalino, friendly, talented, ang ganda ng mata nya at ang cute nya ngumiti yan yung nakita ko agad sa kanya na para bang nakasulat sa damit lahat ng personality pero ako lang ang nakakakita.

Sorry late ako. Team R to diba?

"Oo " ( nakangiting sagot ng leader namin)

Samantalang ako nakatulala parin sa kanya. Pinagmamasdan ko ang pagsasalita nya.
 

"By the way , ako nga pala si Marc Tejada co - leader ng team na to pasensya na talaga kasi late ako"(habang nakangiti)

Transferee nga lang pala ako galing cebu.

"Gusto kong sabihin na kami din naman transferee ,nice to see you" syempre sa isip ko lang yan sinabi para ba kasing naputulan ako ng dila that time.

Hindi ko alam pero napalitan ang mga daga sa dibdib ko ng kuryente at may fireworks pa na nagiispark nung makita ko sya.Tinamaan nga ba ako ng love at first sight .

Maetrix ui!

Maetrix.!

Maetrix.!

Kanina pa pala akong tinatawag ni allysa.

Bakit?

Bet mo si mr. co leader  noh!

"Ui hindi ahh"( nakangiti kong sinabi)

Yiiieeee.

Umayos ka nga baka marinig tayo nyan nakakahiya.

Gumawa kami ng isang circle at pinag usapan na ang magiging task namin. Habang katabi ko sya. Nag uumapaw sa tuwa ang puso ko syempre ayaw ko na mahalata kaya tinatago ko nalang ang aking tuwa. Hindi ko namalayan na namumula na pala ako.

Maetrix ano ok ka lang namumula ka.?

Ang gulat ko kay allysa kasi feeling ko nahalata nya kaya nagpalusot na lang ako kasi ang lakas ng boses nya kaya nagtinginan sa akin lahat ng kagroup ko pati sya .

Ahhh! Ehhh! Ang init kasi ganto kasi ako magbinabanas.

Ahhh sige papaypayan na lang kita .

Hanggang sa may boses akong narinig.

Ok ka lang ?( nakangiti na tila concern )

Ayy oo ok lang ako salamat( nakangiti)

Lalo akong namula pero pilit kong tinatago yun sobra sobra na ang kilig ko that time. Hanggang nag uusap na ang dalawa naming leader . Samantalang kami ay nakaupo lang sa sahig ng gym habang si allysa pinapaypayan ako hindi parin maalis ang tingin ko sa kanya.

Hanggang sa nakabuo na sila ng cheer.Naghati sila ng tuturuan kabilang kami ni allysa sa tuturuan nya habang ineexplain nya ang gagawin nakatitig lang ako sa mga mata nya na tila ba ng aakit  ang mga ito.

Ano nagets nyo ba?

Nagsabi ang mga kagroup ko ng "oo" kaya napa oo nalang din ako .

Kahit na wala akong naintindihan dahil nakatulala lang ako sa kanya.

Pag alis nya ay agad akong lumingon kay allysa at nagtanong.

Allysa ano daw sabi?

Ha? Diba nag oo ka sabi mo gets mo.

Joke lang yun .

Ang dinahilan ko na lang ay masyado syang mabilis kaya hindi ko nasundan kahit na hindi naman ako nakikinig kasi nakatulala lang ako  para hindi lang ako mahalata ni allysa.

Sige na nga ganito kasi yun.

Habang tinuturuan ako ni allysa ay kilig na kilig parin ako syempre palihim lang .

Agad ko namang natutunan ang cheer namin .

Masaya kami kasi kami ang nakahuha ng best cheer sa kabila ng napakaraming group na magagaling. Syempre magaling kami kaya nanalo kami magaling kaya ang nag isip ng concept maafeel pa chosss.

Break time
Kasama ko sa canteen si allysa hindi ko na kasi makita si jj.
Sobrang dami ng tao kaya nakipagsiksikan na lang kami .Softdrinks at tinapay ang binili namin .Bumalik na kami sa gym para dun kumain kasi sobrang dami talaga ng tao dun.
Nakita namin sina jj kaya tumabi kami nagpahangin narin meron kasi dun na electric fan na kulay black.

Nakita ko syang mag isang kumakain siguro tiga malayong lugar kaya wala pang kilala . Gustong gusto ko na syang lapitan that time pero di ko magawa para bang may pumipigil sa akin.

Hayyssss! Pagkakataon ko na sana yun ei.

Hanggang sa naubos na ang oras sa breaktime at nagsibalikan na kami sa kanya kanya naming area. Uupo na sana ako sa tabi nya ei pinigilan lang ako ni allysa kasi basa hayysss sayang .Kaya lumipat ako sa tabi ni allysa malayo sa kanya .
Natuyo na ung basa  gustong gusto ko ng lumipat pero di ko magawa kasi baka mahalata. Iniinterview ni allysa ung guy samantalang ako nakatingin at nakikinig lang .

Madami ang naganap that time maraming games nagsaya lang kami maghapon . Ayaw ko na ngang matapos ang araw na ito. Pero wala akong magagawa kasi lahat naman may hangganan ei.Babalik pa kami bukas sana ganto ulit.

Loving You From A FarWhere stories live. Discover now