Ang ganda naman talaga ng school na to parang magiging maganda ang senior ko. Mukhang mababait ang mga teacher. Nagtataasan ang mga building. Malawak ang canteen. Maganda ang mga facilities. Maaliwalas ang paligid , nature lover ang ambiance , safe na safe ka sa loob ng campus kasi dalawa ung guard pero wait kambal ba sina manong guard ? (Pagtatakang tanong ko)
Hanggang may isang boseng ng lalaki ang sumulpot.
Hindi ba halata?
Hanggang sa napakunot ang noo ko sa narinig ko .
Lumingon ako at agad ko syang nakita isang lalaki na ubod ng pogi at makisig pa ideal man na kung titingnan ,napawi ang kunot ng noo ko at napatingin ako sa mga mata nya na para bang nang aakit ang mga ito .Napatulala ako sa kanya.
Hanggang sa tinanong nya ang pangalan ko .Hindi ako makasagot kasi nakatulala lang ako sa kanya at pinagmamasdan hanggang sa hinawakan nya ang balikat ko akmang sasabihin na ang kanyang pangalan ng
Magising ako sa boses ng aking mama.
Hanggang sa narealize ko na panaginip lang pala ang lahat sayang lang kasi ang ganda na ng panaginip ko naputol pa hayyysss!
"Hindi ko manlang sya nakilala ang pogi nya talaga " kinikilig kong sinigawHoy ,maetrix anak ano naman yang sinasabi mo ? Sinong pogi ? Tama na nga yan at bumangon kana dyan pupunta pa tayo sa school mo na papasukan at magpapareserved pa tayo.
"Si mama naman basag trip" (pabulong kong sinabi)
Buti nalang di narinig ni mama kundi may pingot ako dun .
May sinasabi ka ba maetrix?
"Ayy, ang sabi ko po mama ay I love you po babangon na po."(malambing na tugon ko)
At the school campus
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para bang may mga daga sa dibdib ko na hindi maintindihan ang gagawin o para bang nagpaparty sila sa dibdib ko. Nanginginig ang mga kamay ko nanglalamig at pinagpapawisan ganyan talaga ang nangyayari sa akin pagkinakabahan.Oh maetrix sure ka na ba na dito ka papasok at sure ka na ba sa kukuhanin mong strand?
Matagal akong nakasagot dahil may napansin akong lalaki na tila ba familiar sya sa akin sa bilis ng pangyayari hindi na naabutan ng aking mga mata ang lalaking iyon at dahil na rin sa sobrang dami ng tao doon.
"Guniguni mo lang yun" un ung pilit sinasabi ng utak ko kaya hinayaan ko nalang .
Habang nakatingin sa akin ang aking mama at tinanong sinong tinitingnan mo ?
Ayy mama wala po.
Sigurado ka?
Opo ma.
Wait ung tanong ko nga pala hindi mo pa nasasagot .
"Mama ano nga po pala yung tanong mo"(habang nakangiti ako)
Haynaku bata ka. Lutang ka na naman. Sabi ko sure ka na ba na dito ka papasok at sure ka na ba sa strand na kukuhanin mo?
Ayy opo mama 100% sure na po wala ng bawiin at wala ng atrasan .
Masayang masaya ako kasi nakapagpareserved na rin ako sa pinaka inaasam asam kong school tsaka masaya ako dahil ung strand na yun ang pinili ko at kontento na ako . Naaamoy ko na naman ang senior high.
Habang nakaupo ako sa sofa namin at nanunuod ng tv sumagi na naman sa isipan ko ang panaginip ko bigla akong napangiti na tila ba totoo ang lahat ng nangyari dun . Ano kayang pangitain o ibig sabihin ng panaginip ko .Wish ko sana totoo nalang lahat ng yun. Guni guni ko nga lang ba ung lalaki kanina sa school o hindi hayyyssss!
YOU ARE READING
Loving You From A Far
RomanceMaetrix de luna ang full name nya a simple girl with a nice heart . nHappy go lucky lang ang buhay nya hanggang sa nalove at first sight sya sa isang lalaki na wala naman silang closure nung umpisa. Naging crush nya hanggang sa nainlove na sya dito...