Chapter 4: Maling akala

31 1 0
                                    

Ako ang nauna sa gate kasi napaaga ako ng konti kasi first day ng orrientation dapat maaga ako.Habang nakatayo sa may gate ng school at hawak ko ang cellphone ko maraming nagdadaan sa harap ko na kapwa ko senior high pero ni isa sa mga yun ay wala akong kilala. Ang bobonga ng suot kung di ko lang alam na may orrientation at school to  mapagkakamalan ko na mall to buti nalang maganda din ang suot ko nakarubber shoes na puti  , nakapants na itim ung fit sa akin , nakastring bag na iba't iba ang kulay at naka  pink na t-shirt.

Patingin tingin ako sa paligid baka kasi makita ko ung  nung nagpareserved ako.

Habang busy ako sa paghahanap ay may biglang nagtakip ng kamay sa mga mata ko .

"Sino to?"( pagtatakang tanong ko)

Napaisip ako kasi impossible na si jj to kasi ang text nya ay kakasakay nya palang ano lumipad ang sinasakyan nya .

Hindi nya sinasagot ang tanong ko pero naririnig ko syang tumatawa. Hanggang sa nag guess na ako ng nagguess ng mga pangalan .Hanggang sa tinanggal na nya ang kanyang kamay. Pagtanggal nya blur ang paningin ko sa sobrang higpit ng pagkakatakip nya.

Agad nya akong niyakap ng mahigpit sa sobrang higpit di na ako makahinga.

"Maetrix ngayon na lang ulit kita nakita miss na miss n kita" ( habang yakap yakap ako ng mahigpit)

Nagulat ako kasi si allysa ang nakita ko magkaibigan kami at magkaklase nung grade 7 same school lang kami pero madalang kami nagkikita at nagkakasama sa sobrang laki ng school namin at sa sobrang busy. Hindi ko alam na dito rin pala sya papasok. Sa wakas nagkaroon na rin ako ng kakilala sa school na to bukod kay jj. Sobrang saya ko that time.

"Allysa na miss din kita dito ka rin pala papasok." ( niyakap ko rin sya)

Ayy oo dito kasi napasok ung iba kong mga pinsan.

Ahhh nga pala anong strand ang pinili mo ?

HUMSS.

Really!?

Oo bakit ikaw ba HUMSS din?

Oo

"Yieeee sana magkaklase tayo" ( magkasabay naming sinabi yun at nagtatalon sa tuwa)

Nagtitinginan na sa amin ang ibang mga dumadaan pero wala kaming pakialam basta masaya kami.

Nga pala bakit di ka pa pumapasok?

Ahhh may iniintay pa kasi ako.

Ayyy sino naman yan boyfriend mo?

Ui hindi ahh kaibigan ko si jj babae yun , ikaw talaga.

Asus sige na uuna na ako dun andun na kasi ang mga pinsan ko kita kits nalang tayo sa may gym bye.

Pagkaalis ni allysa ay ang biglang dating ni  jj pawis na pawis at hingal na hingal.

Ohh jj bakit ganyan ang itsura mo?Para kang basang sisiw.

Ahh !ehh! Wait lang ha magpapahinga muna ako bago ko sagutin yang tanong mo ok.

Ok

Habang ako tawa parin ng tawa sa kanya.

Ang sama mo tinatawanan mo ako. Kasi ganito yun nasiraan ang sinasakyan kong tricycle sa may tapat ng mcdo ei walang tricycle na dumadaan kaya yun nag decide nalang akong lakadin ayy diba takbuhin kasi nga kanina ka pa dito ei nakakahiya naman di ba.

Sige na magpunas kana ng pawis pagod na pagod ei.

Ui anong oras na tara na.

Mag 7 na .sige tara na.

Habang papunta kami sa gym.

Jj may goodnews ako sayo .

Ayy sige ano yun ?Ako din may goodnews sayo.

Really ano yun?

Ikaw muna .

Ikaw na.

Sige na nga . Magkaklase na tayo.(niyakap nya ako)

What!!! how did you know?

Ha?

Na magkaklase na tayo? Iyon din ang goodnews ko ei.

"Yieeee"( habang nagtatalon ang dalawa sa tuwa)

Parehas na tayong ng strand maetrix ABM is rock.

WHAT?ABM??? Di ba HUMSS?nagdecide na ako na mag humss jj kala ko humss ka .

Hala! Di ba abm ka sabi mo.

Nung una oo pero nagbago ang isip ko kaya nag humss na ako pero wait sabi mo din humss ka tapos ngayon abm! (Habang nakakunot ang noo ko)

Hala! Nagbago din ang isip ko nung nagpareserved ako nagpalit din ako ng   strand .

Natigil ang pagtalon naming dalawa at napatigil kami sa isang gilid habang nag uusap ng masinsinan.

Jj hala sino na ang kasama ko .

Nung mga panahon na yan ay nagparty na naman ang mga daga sa dibdib ko at hindi pa nakuntento at nagtawag pa ng mga kaibigan ang mga dagang to yan nagdadagundugan na sila . Parang gripo ang kamay ko at nanginginig pa. Gusto kong maiyak that time pero kasi wala akong kilala dun tapos magkahiwalay na kami ni jj. Hanggang naalala ko si allysa yan biglang humupa ang lahat .

Ok na yun jj maging happy na lang tayo sa isat isa .ok lang na di na tayo magkaklase same school pa rin naman tayo .

Sorry talaga maetrix.

Ha? Wala kang kasalanan.(habang yakap ko sya)

Tara na sa gym.

Bago pa man kami pumasok ay nakita na namin si allysa .

Maetrix.

Allysa.

Nga pala si jj kaibigan ko.

Hi .

Hello.

Nga pala kailangan nyong bumunot ng letter dun para malaman nyo kung anong group kayo.

Bubunot? Saan?

Dun sa girl na nakablue na may hawak ng supot.

Ahhh sige salamat.

Tara na jj.

Sige tara na .

Habang bumubunot ako ramdam ko parin ang mag daga sa dibdib ko na nagpaparty .

Maetrix anong letter mo? Ako M

R. Hala sinong kasama ko kinakabahan na naman ako jj.

Tara tanong natin ung kaibigan mo na si allysa .

Sige tara.

Allysa anong letter mo ?

Ikaw muna maetrix.

R.

Talaga?R din ako .

Super saya ko kasi same kami ng letter may kakilala na rin ako sa kagroup ko.

Ang daming tao sa loob ng gym. Mainit kasi kulong ang gym tapos bukas pa ang mga ilaw meron ngang mga electric fan pero sa sobrang dami namin hindi ramdam ang epekto ng electric fan. Madami tuloy ang may hawak ng pamay pay at isa na ako dun ang iba ay mini fan ang dala. Hindi pa nag iistart ang orientation kasi madami pa daw ang wala kaya magkasama kami ni allysa na umupo sa isang tabi malapit sa may black na  electric fan .

Loving You From A FarWhere stories live. Discover now