Kailan ba nagsimula? Tama! Noong Abril Ikalabing-pito. Mahal, natatandaan mo pa ba? Binati kita sa kaarawan mo. At nagulat ako, ako pala yung kauna-unahang bumati sa'yo. At aaminin ko, kinilig ako. Naramdaman ko kasi 'yung sinserong pasasalamat mo.
Akalain mo 'yun? Sinadya ata ng tadhana na hindi ako patulugin gabi bago sumapit ang kaarawan mo. Na kahit na anong pilit 'kong ipikit ang mga mata ko, walang epekto.
At ayun, sakto! Nalaman kong kaarawan mo. Binisita ko pa nga ang timeline mo para makumpirma kung kaarawan mo nga, pero wala pang bumabati sa'yo. Kaya ayun, nag-pm ako sayo. Sinabi 'ko pa nga, na mahal ka ng ka-loveteam mo eh.
Kahit na ang totoo, "Mahal Kita" ang dapat na nakalagay doon.