Confession

10 0 0
                                    

" Paconfess po. Thank you. :)

Falling InLove with an OP Feels.

Hola Everyone!, I just want to express my feelings about falling inlove with a fictional character's operator. Well, honestly, di ko alam kung inlababo talaga ako kase it is my first time to feel this way. So, yun nga, nafall ako sa operator ni Hunter Idel.( Xiomainatics!kaway). Bilib na bilib kasi ako sa way ng paghandle nila ng character. Lalo na sya. Yung pag portray/operate niya sa character ni Hunter parang totoo talaga. Parang si Hunter talaga ng story yung nakakasalamuha naming readers. Iyon 'yong nagustuhan ko sa kanya. Plus, di ko alam kung ako lang 'to pero, I think he's so true to himself. He was never afraid to show off the real him. He always speaks what he wants to. Hindi siya takot masuspend basta ba e mapaglaban niya yung ipinaglalaban niya.  Ang sweet niya in a way na hindi mo masyadong magegets kasi usually puro kabulastugan yung sinasabi niya hahaha .  And honestly, nung narealize kong may something sa kanya, dumating ako sa part na nabibitter ako sa kanila ni Ate Jayden. Yung tipong tuwing may update, ang sarap kumanta at makinig sa kantang " That Should Be Me ". Char!. Idunno kung normal ba 'yon. Hahahaha. So ayun nga, Hi kay Kuya Hunter Idel ng Claimed by Hunter ni Miss Xiomai. Ako po yung aksidenteng unang nakapaggreet sayo nung Birthday mo. Aksidente talaga 'yon kasi di naman kita naiistalk so wala akong masyadong alam sa infos sa fb mo. Sobra yung kilig at gulat ko nung nagreply ka sa greet ko. Yun yung naging first and last convo natin. Kagaya nga ng nasa mesage ko sa'yo noon. Yung ' mahal ka po ni Ate Jayden' , 'mahal po kita' yung dapat nakasulat doon. Hahahaha"

Ayan, ayan ang eksaktong sinabi ko sa'yo sa confession ko. Tandang-tanda ko pa no? Ayan yung naging simula para lalo tayong mapalapit sa isa't-isa.

Akala ko, walang makakabasa ng confession ko, pero swerte ko, isang kapwa ko reader ang nakatuklas niyan at agad-agad na shinare sa group. Minention ka niya na lalong nagpakaba sa nararamdaman ko.

"Shit. Kilala ko 'to." - 'yan ang sinabi mo.

Halo-halong kaba, kilig, takot, at saya ang naramdaman ko nung nabasa ko 'yan mula sayo. Ibig sabihin, kilala mo 'ko. Ibig sabihin, natatandaan mong ako ang nasa clue na binigay ko. XD

Naglakas-loob akong ichat ka at 'di ako nabigo dahil nagreply ka.

Nag-usap tayo tungkol sa maraming bagay. Tungkol sa'yo, sa nararamdaman ko, sa kung ano ang pangarap mo, mga hilig at di mo gusto.

At aaminin ko, lalo akong nahulog sa'yo.

Confession Of A ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon