MK, para sa'yo.
Ano?
Nainlove ako?
Nainlove ako sa isang tulad mo
Nakakapanibago
Nakakalito
Paano?
Paano ako nainlove sayo?
Paano ako nainlove sa tulad mo
Sa tulad mong ang tanging alam ay manloko
Sa tulad mong ang tanging alam ay maglaro
Sino?
Hindi kita kilala
Hindi kita kilala, talaga
Hindi ko alam ang ngalan mo
Hindi ko alam ang edad mo
Hindi ko alam ang kasarian mo
Hindi ko alam ang tunay na nararamdaman mo
Kasi hindi kita kilala
Kailan?
Kailan ba 'yung unang beses kitang napansin
Nagsimula sa mga simpleng pagpapansin, sa mga posts mo dito
May mahal yung karakter mo
Pinagsisigawan mo
Pinangangalandakan mo
Natutuwa ako sa inyo
Ang sweet-sweet niyo
Natutuwa ako sa inyo
Normal yung pag-arte niyo
Natutuwa ako sa inyo
Damang-dama kasi yung mga salitang binibitawan niyo
Natutuwa ako sa inyo
Natutuwa ako sa'yo
Oo, natutuwa ako sa'yo
Natutuwa ako sayo kasi akala ko
Akala ko, totoo ka
Akala ko, seryoso ka
Natutuwa ako sa'yo kasi napansin mo 'ko
Dineklara 'kong number 1 shipper niyo ko
Totoo
Pero bakit unti-unting nagbago?
Akala ko, natutuwa lang ako sa'yo, sa karakter mo
Pero hindi pala
Isang araw nagising ako
Nagising ako na nagmamahal sa'yo
Sa'yo, hindi sa karakter mo, sa'yo talaga
Binalaan na nila ako
Wag daw akong mahuhulog sa'yo
Pero makulit 'tong puso ko eh
Tandang-tanda ko pa
Noong Abril ika-labingpito
Binati kita sa kaarawan mo
Nagulat ako
Ako, pala yung kauna-unahang bumati sa'yo
Kinilig ako,
Naramdaman ko yung sinserong pasasalamat mo
Simula no'n, naging aktibo ako
Sa posts mo? Siguradong na-like ko yung bawat isa dun
Kahit papano naging 'close' tayo
O ako lang?
Sa sobrang gulo ng nararamdaman ko
Gumawa ako ng kapalpakan
Gumawa ako ng katangahan
Ipinangalandakan ko ang totoo 'kong nararamdaman
Inilabas ko lahat
Masaya
Masaya na nalaman mong ako 'yun
Nagbaka-sakali akong 'di mo 'ko nalimutan
Yun, yung naging daan para maging malapit tayo sa isa't-isa
Pero tumigil ako
Tumigil ako kasi nasasaktan na 'ko
Mali
Mali kasi sobra-sobra na yung pag-asa ko
Niloloko ko na yung sarili ko
Tumigil ako kasi nalaman kong hindi lang ako
Hindi lang ako yung binabanatan mo
Marami, marami kami
Masaya ba?
Titigil na 'ko
Hihinto na 'ko
Susuko na 'ko
Kasabay ng pagpost ko ng tulang ito ang pagtapos sa nararamdaman ko sayo
Oo, tatapusin ko na
Pagod na kasi ako
Sawa na 'ko
Wag kang mag-alala alam ko
Oo, alam ko
Alam ko na 'di mo mapapansin
Sino ba naman kasi ako?
Taga-hanga mo lang naman ako
Tatapusin ko na
Oo, ito na
Sandali na lang ah?
May sasabibin pa kasi ako
Importante 'to
Hunter/MK/OP, Mahal kita.
Mahal, mahal kita
Mahal, minahal kita
Mahal, minamahal kita
Mahal, mahal mo, ay siya.