Pagtatapos

7 0 0
                                    

Matapos ang maraming oras, araw, buwan, at panahon na lumipas, unti-unti kitang nakilala. Unti-unti 'kong nalaman, na ako lang pala. Ako lang pala, ang nakakaramdam ng kilig, ng tuwa. Ako lang pala yung mag-isang nagmamahal. Ako lang pala yung tanging umasa. Ako lang pala yung nasasaktan. Kasi mahal, mahal 'di lang ako! 'Di lang ako 'yung sinasabihan mong "sayo". 'Di lang ako 'yung sinasabi mong sineseryoso mo. Mahal, madami kami. Madami kaming nahulog sa'yo, madami kaming sinalo mo, at isa-isang binitawan nung nabigatan ka na. Mahal ang sakit! Ang sakit, kasi hinayaan mo pa akong mahulog sa'yo ng ganito. Sana noon pa man, sinabi mo na kung ano ang pakay mo. Sana noon pa lang, binalaan mo na ako. Sana, sana 'di na 'ko nahulog sa'yo. Kasi ang sakit, sobrang sakit.

Mahal, masaya ba? Masaya ba, na nakakasakit ka na? Masaya ba, na nakita mong maraming naghahabol sa'yo kaya unti-unting binitawan mo ang pag-ibig na inalay 'ko sa'yo.

Mahal, ano bang kulang? Ano bang mali? Naging totoo naman ako sa'yo. Naging vocal ako sa nararamdaman ko sa'yo. 'Di mo ba nadama? O sadyang, 'di ka lang marunong makuntento?

Mahal, akala ko masakit na, na nalaman 'kong 'di lang ako. Pero mahal, mas masakit nung nalaman 'kong aalis ka na. Mahal, masakit na 'di ko man lang natanong kung ano ba ako sa'yo. O kung may halaga ba ako sa'yo. O kung sino ka ba talaga.

Mahal, masakit kasi iiwan mo na ako. Tatalikuran mo na ako. Lalayo ka na. Mamumuhay ng tahimik, samantalang ako, iiwan mo 'kong nagmamahal pa rin sa'yo.

Mk, hindi ko kaya. Gusto 'kong alamin kung sino ka pero hindi ko magawa. Gusto kong ipaalala sa'yo kung gaano kita mahal pero 'di ko na magawa, kasi wala ka na.

Nag-iwan ako ng mensahe sa'yo nung nalaman kong aalis ka na, pero sigurado akong 'di mo na 'yon mababasa.


Sinulat ko, ang lahat ng ito kasi ayoko ng umasa, ayoko ng masaktan, ayoko ng maalala ka.

Pero mahal, MK, mahal pa rin kita. Mahal Kita. Paalam.

Confession Of A ReaderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon