Wawakasan ko na ang kwentong hindi naman talaga nasimulan.
Wawakasan ko na sa isang salita. "Paalam". Paalam na, oh aking mahal.
" Salamat". Salamat sa masasayang alaala. Salamat sa pagpapakilig. Salamat sa pagpaparamdam ng halo-halong emosyon. "Patawad". Patawad kung sumobra ako.Nito lang, maraming bago na nangyari sa akin. Katulad mo na rin ako, OP na din ako. Madami akong nalaman tungkol sa'yo, sa inyo. Masaya pala. Sobra. Abnormal pala kayo? Ang lakas ng trip niyo. Alam mo ba? Pinalitan ka na nila. Hindi na ikaw ang babaero. Si Loglog at Lele na. Nanahimik ka na kasi. Nakaka-miss ka rin, ano? Miss muko?!
Babe, aaminin ko, naiinis pa rin ako sa'yo. Mali, nainis ulit ako sa'yo. Bakit? Kasi naman, may date tayo, diba? Ginalingan ko pa ng sobra sa Q and A. Tapos ano? Hinintay kita noong araw na 'yon. Pero wala ka. Pagka-gising ko kinabukasan, nakita ko ang message mo, nag-send ka pala ng rules 12am na. Bismud ako noon kaya seen lang ang ginawa ko. Mga alas-tres ng hapon, nag-pm ka pala ulit. Ang sabi mo pa nga " Sa Saturday na lang tayo mag-date, ah?" Kinilig pa 'ko nun! Kasi akala ko, mas mahaba yung oras na makaka-date kita. Nag-reply ako, "Pwede ba? Hahahaha. Sigeeee." Tapos after ilang hours, nag-reply ka ulit, "Sorry. Busy lang sa school. Malapit na ang exam eh. Hahahaha." Sabi ko, okay lang.
Dumaan ang Sabado, hinintay kita pero naka-tulog ako kaka-hintay. Nakita kong nag-online ka ng mga alas-singko. Pero wala ka man lang iniwan na message.
Linggo. Nag-online ka. Nakapag-post ka pa nga, diba? Pero ano? Hindi mo ako naalala.
Nakakainis ka! Sobra. Pero mas nakaka-inis ako. Nakaka-inis ang katangahan ko.
Ayoko na. Hahahaha. Hindi na talaga ako aasa. Sana.