Pia's POV
"Hija.. May nagpapabigay .."-bungad ni manang cielo saakin (yung nakatapon saken ng tubig nung nakaraan)
"Kanina daw po galing?"-tanung ko naman at kinuha yung bouquet na ipinadala daw.. Pangatlong araw na na may nagpapadala saken ng flowers..minsan with chocolates tapos may letter..
"Hindi ko alam hija, ayaw sabihin nung nagdedeliver eh"-ani ni manang ..binasa ko yung sulat na naka ipit sa isang rose sa loob
'Flowers for a beautiful lady'
Wala ngang pangalan na naka lagay.. Inamoy ko yung bulaklak at napangiti ako, napakahilig ko talaga sa bulaklak simula pa nung bata pa ako... Kahit.. Kahit.. Kahit na ito yung dahilan kung bakit----w-wala..
Basta.. Wag ang green rose.. Sa lahat ng rosas..wag yun
"Mukhang may nagkakagusto sa anak anakan ko ah"-tukso naman ni manang saken at napatawa ako "manang naman, ganun na ba ko kapangit para hndi magka ruon? Hahaha"-umiling naman si manang ng nakangiti.. "Napakaganda mo hija.. Napakaganda"
"Matibo kanyan manang hahaha"
"Hahaha, oo nga pala hija, aalis ako bukas..mga isang linggo din.. Manganganak na si shiela eh..magkakaapo nako"
"Wow! Congrats manang!!!!"-napayakap ko kay manang..sa halos apat n bwan kong nanirahan dito kasama si kiel ay itinuring ko na ring pangalawang ina si manang cielo.. "Sige po manang, nakapag paalam kana po ba kay kiel? Pumayag ba? Manang bumisita kayo sa susunod dalhin niyo yung apo niyo ah????"-kumikislap ang mata ko habang sinasabi ko yun,inilapag ko naman ang bouquet sa cabinet at hinawakan ng kamay ni manang na tila nangungumbinsi "sige hija, makakaasa ka"-natatawang saad nama ni manang habang nakatingin saken, halos tumalon ko sa saya!
Except for roses, i love babies ang liit liit kasi nila..they're so fragile.. And special..
Na sa kakaunting ngiti o galaw nya ang ay may mapapasaya syang tao.. I adore babies so much
"Manang"-napatingin kmming lahat kay kiel ng bagong gising sya at nasa harap ng kwarto ko "ay hijo, sandali.. Ipaghahanda kita ng mkakakain"
"Kape nlang ho"-sabi nito kay manang habang saaken nakatingin.. "A-ah sige hijo, sandali bababa lang ako para magtimpla"-agad namang bumaba si manang ngunit nanatiling nakatingin saaken si kiel..
"Kanino galing yan"
"A-ahh..e-eto ba? "-turo ko sa bouquet,"h-hindi ko alam eh"
"Psh.. Liar"-masamang tingin ang ipinukol nito saken.. "At san kana man pupunta at bihis na bihis ka?"-seryosong tanong niya..
"S-sa kaibigan ko lang"
"Sinung kaibigan?"
"S-si mico"
Matagal bago siya magsalita ulit "manlalalake kananaman? Malandi ka talaga eh nuh?"
Ang tatalas ng mga salitang binibitawan niya,alam ko namang hindi totoo yun pero tinatamaan ako...lalo na at sakaniya pa nanggaling yun.
"Aalis ka? May pera kaba? Siguro jan ka sa mga lalake mo nagkakapera ano? Tsk! Bayarang babae,nakakahiya ka"-hinablot niya ang braso ko at halos suntukin niya nako sa galit niya, bakit sy nagagalit? Eh dati naman wala syang pakealam kung anung gawin ko eh.. "A-aray kiel..n-nasasaktan ako"
"Dapat lang babae!"-napapikit ako sa sigaw nito sa tenga ko mismo "may asawa kana nanglalandi kapa! Kung nanghahanap ka ng pera dun ka magtrabaho sa matitino!malandi ka"-bumagsak ako sa sahig at napatakip ng tenga ng ibagsak nya ang pinto.. Nag init ang mga sulok ng mata ko.. Ba't lagi mokong sinasaktan kiel, magkaibigan naman tayo dati ah.. Bakit..?
W-wala ba talagang pag asa?.
Tinawagan ko ang sekretarya ko sa office at inihabilin na hindi ako papasok ngayon, nakaprivate ang impormasyon tungkol sa nagmamay ari ng K.A.L. hindi alam ni kiel ang tungkol dito.. Ang alam niya ay isa lang akong mayamang babae na nawalan ng magulang at naghirap..hind ko humihingi ng pera sa kung sino man sapamilya ni kiel..kahit na kaclose ko ang kapatid niyang babae na si kylie ay never akong humingi ng tulong..pati kina lola..
Pagkatapos kong tumahan ay nag pulbos ako ngkaunti ng walang makahalatang umiyak ako.. Bumaba nako ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang asawa kong nangangape..
"Oh hija,aalis kana? Kumain ka muna"-aya ni manang, ramdam ko namang tumingin sa gawi ko si kiel.. Di ba nya ko aayaing kumain? Pag inaya niya ko di nako aalis *sigh
Asa pa pia
"Hindi na manang..sige po aalis nako"
Nakalabas ako ng mansion na hindi man lang tinawag ni kiel, nakaramdam ako ng kakaunting dissapointment.. Ayoko mang umasa ay di ko mapipigilan...
Naglalakad ako sa highway at naghintay ng masasakyang jeep ng may isang itim na sasakyan ang huminto sa harap ko..
Naka ramdam ako ng kaba..
Wag naman sana.. Lord..please..
Bumukas ang pinto ng sasakyan..
Napalunok ako..please wag namang maulit
At iniluwa nito ang nakangiting si neien "yow pia!"
Nakahinga ako ng maluwag.. Si neien lang pala
Lumapit ako sa kaniya ng nakangiti rin.. "Hello din neien"-isa sa mga kaclose ko rin dati nung nasa college kami..kaso pagkatapos ng apat na buwan ay ngayon nya nalang ulit ako nakausap
"San punta mo?hatid na kita"-nakangiti nyang saad..kahit kelan talaga,napakamasayahin niya
"Ah..wala naman..wala akong maisip na puntahan"
"Ahh..ganun ba?"-nagtataka nyang tanung at biglang nagkumislap yung mha mata niya "ah! Alam ko na! Tara sakay ka.. Samahan moko"-takang taka pako sa sinabi niya ngunit pumunta na sya sakabilang parte ng kotse (dito sa side ko) at binuksan ang pinto "pasok ka,pia" -pumasok naman ako kahit hindi ko alam kung anung plano niya ..maya maya pa ay nakapasok narin sya at naupo sa driver's seat.. "Saan tayo?"-takang tanung ko
"Dito sa kotse hahahahaha!"-pilosopo
"I mean saan tayo pupunta?"
"To naman ang seryoso mo hahahha"-pinaandar nya ng sasakyan at binigyan ako ng makahulugang ngiti
"Sa arcade "-kinindatan ako at pinaharurot ang sasakyan
****
#NeiA or #PiKiel??😍
Who's your bet?