Verna's POV
Dahan dahan akong naglakad tungo sa hospital bed ni kiel.. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang mukha niyang maraming pasa.. Mabuti naman at hindi siya natuluyan..
"Im sorry .."-sabi ko dito, kahit na alam ko namang hindi niya ko naririnig..
Tumulo ang isang luha mula sa mata ko habang nakatitig lang sa natutulog na si kiel.. Mahal na mahal kita yat.. Pero im sorry.. Alam mo namang mahirap lang ako.. At kailangan ko 'siya' .. Ayoko namang humingi ng pabor sayo at baka maisip ng pamilya mo napiniperahan kita..
I love you.. Pag natapos na tong deal namin.. Babalik nako sayo.. Ng pangalan na sa industriya.. At hindi bilang si verna venorosa na walang pera..
"Bakit mo ginawa yun"- napatingin ako sa babaeng nasa pinto at namamaga ang mga mata
"Wala kana dun"-sabi ko..
"I have my right. Im his WIFE"-Diing sabi niya.. Tinamaan naman ako at napaiwas ng tingin.. Oo, alam kong ikaw ang asawa..at yung ang masakit sa parte ko
"Kasal lang kayo sa papel. He LOVES me. NOONE ELSE BUT ME"-i saw a hint of pain in her eyes pero nanatili siyang kalmado
"Yes. but in the eyes of everyone IM THE LEGAL WIFE AND YOU'RE JUST HIS MISTRESS. a desperate woman who wants a married man"-at nung pinaplabas niya? Na kirida ako? Ganun ba?
"Nauna ako sa kaniya. What's mine is mine.. Krisshophia Ajo Laureal"-pagdiin ko s buong pangalan niya at tumayo sabay harap sa kaniya
She just smirked at me. " I DON'T SHARE WHAT'S MINE. TOUCH HIM AND I'LL KILL YOU---"
***
THIRD PERSON'S POVNatigilan si pia ng sampalin sya ni verna, tila wala lamang iyon sakaniya ngunit nabigla ito sa biglaang pagdampi ng palad nito sa palad niya..
"Wala kang karapatan sakaniya!"-sigaw ni verna na umalingawngaw sa loob ng room..
Mabuti na lamang at silang tatlo lamang ang andito at walang ibang makakarinig sa kanila..
Tila namanhid ang pisngi ni verna ng dumapo dito ang palad ni pia, nanggagalaiti ito ngunit pinipigilan niya, bigla namang sumugod si verna at sinabunutan si pia "walangya kang babae ka!" -sambit nito habang hablot hablot ang mahahabng buhok ni pia "a-ahh! Ano ba!"-piglas naman ni pia, ayaw nitong lumaban pagkat alam niyang mali "sipsip! Boyfriend ko sya"- nabasag ang vase sa tabi ng masangga ito ng isa sa kanila..
"Anung ginagawa niyo!?"-bigla silang dalawa napatigil sa taong sumigaw "bitawan mo si verna,pia! Wag na wag mong sasaktan ang taong mahal ko!"
****
Pia's POV
"Bitawan mo si verna,pia! Wag na wag mong sasaktan ang taong mahal ko!"-tila nag igting ang tenga ko at hindi ko maabsorb ang sinabi niya, pero nagumpisang nagsibagsakan ang mga luha ko.. May kalmot ako sa braso at sa gilid ng noo ko at dumudugo ito.. Ang hahaba kasi ng mga kuko ng babaeng to
Huminto kaming dalawa at nakatitig lang sakaniya "m-mikhiel.."-sambit ni verna.. Halos magkasabay kaming bigkasin ang pangalan niya ngunit hindi ko na itinuloy yung akin..
Ang sakit..ang bigat bigat sa pakiramdam ng mga sinabi niya..
Pumunta sa tabi niya si verna at niyakap ito ng dalaga "mikhiel..sandali..tatawag ako ng nurse"-she grinned at me bago tuluyang makalabas ng kwarto...
"Ikaw , ang kapal din ng mukha mong pumunta dito pagkatapos mokong ipabugbog?!"-ito na..nag uumpisa na ang kinakatakutan ko.. Kinamumuhian niya ko..
Dahan dahan akong lumapit sa hospital bed kung saan sya naka upo
"K-kiel..nagkakamali---"
Namanhid ang kabilang pisngi ko ng sampalin niya ko ng pagkalakas lakas, ang sasakit ng mga salitang pinagsasasabi mo kiel.. Pati ang mg paghihirap mo saken..pero bakit hindi ko magawang iwan ka.. Masyado naba akong umaasang may pag asa pako sayo?
"Narinig ko mismo sa mga TAUHAN MO,NA IKAW ANG NAGPABUGBOG SAKEN"-napapikit ako ng mariin at nanatiling nakatayo sa harap niya..ang bigat bigat ..nanlalambot ako at pakiramdam ko ay ilang sandali ay babagsak nako
"K-kiel---"
"Pagnakalabas ako dito..magbabayad ka"
"Kiel..makinig ka mu---"
"Umalis kana"
"Kiel."
"UMALIS KANA! HINDI KITA KAILANGAN!"
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si verna kasama ang isang nurse..
Patakbo akong umalis sa kwartong yun at di sinasadyang may mabangga ako "s-sorry sorry"... Nakayuko kong pagpapaumanhid habang humihikbi.. Ang sakit sakit "apo.."
"L-lola poring.."-mas lalo akong naiyak at walangaatubiling niyakap siya "anung nangyare hija? Bat wala ka sa kwarto ni kiel? Binalitaan kami ni verna na gising na raw sya"-bigla akong napabitaw kay lola at iniwas ang tingin ko habang kanya kanyang nagsisibagsakan ang mga luha ko..
"Anung problema apo?"
"W-wala po.."-mabilis akong umiling at mabilis na umalis
What now? Is she trying to earn lola's trust? Is she trying to steal everything away from me?