(Sana magtagumpay akong magkalituan kung anong LT kayo xD mukhang mahaba haba to)
Mico's POV
Its been a week, isang linggo ng nakahiga ang bestfriend ko dito at walang malay, isang linggo nasyang nakahiga dito sa hospital bed nato..
"Nababagot kana ba dito? Nakakabingi ba ang katahimikan? Nangangalay kanaba kakahiga jan pia?"-hinawakan ko ang kamay niya at naupo sa tabi nya habang tinititigan sya "gumising kana oh.. Pangako pag gising mo gagala tayo kung saan mo gusto, kakain tayo kung anung gusto mong kainin, sasamahn kita kahit saan mo p gustong pumunta.. Just.. Just please wake up"-nag init ang mg sulok ng mata ko, hinawi ko ang buhok niya at mapaklang ngumiti "im tired already.."-malakas akong napabuntong hininga...tumayo ako at kinuha yung bouquet na nasa side table at bumalik ulit sa kanya..
"Ive been trying my hard for you not to notice"-dahan dahan kong inilapag ang bulaklak sa mesa ulit at hinawakan ang pisngi niya..
"I loveyou"
"And im tired pretending that im okay, im tired pretending to be a gay just for you to notice me"-tumulo ang isang luha ko, ang sakit..ang sakit sakit, ambigat bigat sa dibdib..
"Pia... Im tired of accepting every minute of my life that im only your bestfriend"-mariin akong pumikit, kelan pako naging iyakin?
Ewan ko ba, hindi ko alam kung bakit araw araw akong nagpapadala sakaniya ng bulaklak, napaka torpe ko na ba at ang pag panggap na bakla nalang ang naging choice ko?
Basang basa na ang pisngi ko kakaiyak, ngayon hindi lang ako torpe, iyakin din ako haha! Tumayo ako at hinalikan sya sa pisngi..
Aalis na san ako ng biglang iniluwa sa pinto si neien..
Fck.. Did he just saw it?
NEIEN'S POV
Bumili ako ng mga prutas, sabi daw kasi nila..an apple a day kicks the doctor away tama ba yun? Ah basta yun na yun..
Naalala ko pa nung college kami, isa si pia sa mga kaclose namin sa barkada, kasi nga magkababata din sina khiel at pia noon, naalala ko pa nun dati na araw araw nakikita kong lagi nyang kinukuhanan ng litrato si khiel tuwing hindi ito naka tingin..
Napagtripan kong asarin sya kaya nilapitan ko sya at tinukso ng tinukso,sabi nya wag ko raw sasabihin kay khiel ang tungkol dito, umoo naman ako..pero syempre pangbablackmail ko yun haahaha! We shared secrets.. Naalala ko pa nun ng tinanung niya ko kung maycrush daw ako
..Sabi ko naman oo, pero di ko sinabi kung sino hahaha ayun nag tampo, di ako pinansin hahaha pero nag kabati din naman kami kalaunan
Nakaabot ako ng 2nd floor at pumasok sa kwarto kung asan si pia,
"Im tired of accepting every minute of my life that im only your bestfriend"
DidI heard it right?
Napasandal ako sa gilid ng pinto at pilit na pinapakalma ang sarili ko... Why am i feeling like this? Bakit parang dinudurog ng puso ko? Hindi ako makahinga ng maayos dahil dito, ayoko sa nakikita ko
Humugot ako ng hininga at itinuloy ang plano kong pagpasok,natigilan naman si mico at gulat na nakatingin saken ngunit bigla din naman syang sumeryoso
"Oh pare.. Tamang tama paalis narin ako"-tinanguan niya ko at pinat ang balikat ko bago ako lampasan, but before he could leave the room i called him
"Mico"-ramdam kong natigilan sya ngunit hndi parin sya lumilingon at nakaharap lang sa pinto "so you love her"
" yes. Right from the start before she could have met you"-at tuluyan ng umalis ng kwarto...
Nauna sya..
Masakit man aminin pero alam ko talaga na nauna sya, how brave of him to pretend like that for the sake of her feelings.. I couldnt even have done it myself..
Inilapag ko ang mga prutas sa mesa katabi ng bulaklak na galing siguro kay mico.. Nanghihina akong umupo sa tabi ng kama niya..
"Hi pia"-nakatalikod kong bati sa kanya.. "Sorry kung di kita maharap ngayon ah? Ahahahaha! Ewan ko ba"-napalunok ako ng biglang pumiyok ang boses ko, "m-mahal karaw ng bestfriend mo pia, ano? May gusto karin ba sakaniya? O si khiel parin?"-tumawa ako, ang bigat sa pairamdam, ang hirap pigilan "ang hirap patunayang may gusto ako sayo lalo na pag alam kong anlalaki ng tsansang mas nakakalamang sila"-tumingala ako para pigilang tumulo yung mga luhang nagbabadya sa mga mata ko..
"Ang hirap hirap pia"-tumawa lang ako, kahit ang sakit sakit.. "Nagseselos ako pero wala akong karapatan"
"Nasasaktan ako pero hindi ko kayang ipaglaban"
"Ang hinahina ko"-naramdaman ko ang mainit na likidong dumaloy sa pisngi ko ..
"Naalala mo ba yung tinanung moko kung sino yung babaeng gusto ko?"-natawa ako ng konti ng maalala ko yun, "isa lang naman yun...nag iisa lang sya"
"Babaeng nangangalang Krisshophia Ajo Montalla na ngayon ay Xilvandro na.."-mas lalong kumirot ang dibdib ko..
Oo nga pala..may nag mamay ari na sa kaniya, yung kaibigan ko lang naman
" i wanna hug you, i wanna kiss you, i wanna make you mine but i know i can't"-humagulgol ako ng walang ingay. Pumikit ng mariin at iniiwasang makagawa ng hikbi..
" im sorry"-nilingon ko sya at nakita ko ang maganda at maamo niyang mukha, yumuko ako at hinalikan sya sa noo.. "Im sorry for assuming that someday you'll love me back"- okay ng hindi moko kayang mahalin pabalik pia.. Basta magising ka.. Masaya nako kung saan ka masaya
KHIEL'S POV
Napasandal ako sa pader sa di kalayuan sa kwarto kung asan ang asawa ko, ilang oras nakong nakasandal dito, nakita kong pumasok yung bestfriend nya.. Lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko pero pumasok din sa loob si neien kaya naisipan kong pumarito muna..
Napahigpit ako sa paghawak sa baunang hawak ko, hindi na ito kasing init tulad ng kanina, pinag luto ko siya ng chicken curry.. Paborito daw niya ito sabi ni lola.. So i cooked one for her..at ito ang madadatnan ko..
Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko, mag iisang linggo na at hindi parin siya nagigising, nagalit nako sa mga doktor kung bakit hindi nila magawang gisingin ang asawa ko
Naghintay pako ng ilang sandali hanggat sa marinig ko ang pagbukas ng pinto sa di kalayuan..mukhang nakalabas na si neien..
Humugot ako ng malalim na hininga bago naglakad papasok sa kwarto ni pia, bumungad saakin ang nakahigang anghel na ngayon ay walang malay..
Inilapag ko ang baunang dala ko at nginitian sya "i brought you your favorite"-binalik ko ang tingin sa baunan at nakita ko doon ang isang bouquet at fruit basket,
Alam ko na kung kanino galing ang mga ito..
"Lemmi guess.. Umamin na sila sayo?"-napakagat ako ng labi ng mapatingin sadireksyon niya.. Wala man syang reaksyon alam kong oo ang sagot... Dati palang alam ko na.. Pansin ko na..
"Umamin din yung crush mo ano?"-umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko ay tinusok ng ilang libong karayom ang dibdib ko "am i late?"-nakaiwas tingin kong tanong.. Unti unti ko syang nilingon.. "Am i already late, huh wife?"
Alam ko namang hindi sya sasagot pero todo tanong parin ako, alam kong dati palang ay may gusto ito kay neien.. Kinuwento panya kung bakit nya naging crush yung kaibigan ko dati
" i know i made a mistake.. But.. Its not too late to make it up to you.."-mapakla akong ngumiti "is it?"
"im sorry"-nakayuko kong sambit "im sorry for being a numb"-malakas akong napabuntong hininga at dahan dahang tininngnan siya.."alam kong napaka kapal na ng mukha ko para sabihin to"- namuo ang kamao ko at napakagat labi ako..
"favor, wife"
Malakas akong bumuntong hininga at kinuha ng mga kamay nya at hinalikan ito.. Tinitigan ko siya ng ilang sandali bago binitawan ang mga katagang gustong gusto kong sabihin
"Please dont be inlove with someone else, please dont have somebody else waiting on you"-then tears started to flow...
I hate this..