The Next Day..... (Afternoon)
Gelo's POV
Ang boring nanaman! Wala din akong makausap dito sa bahay! Si kuya Jerome nakipag-date, pogi ngayon yun! Sabado eh, tsk. Si mommy naman, kukulitin lang nya ako ng kung ano-ano, tinatamad din ako pumunta sa mall, wala naman kasi akong kasama!
*drrrrt *drrrrt
May nag text? Nag vibrate cp ko eh....
From: Kathryn
Hi Gelo! Long time no see ha? Hahaha! BTW, my friends are thinking for their ex again, and they don't know anything on us, they don't know that we just act that time, Hahahahaha! Maybe we'll keep this secret forever.
Were going to SEU this week, mage-enroll na kami dyan ulit. Pero di kita guguluhin PROMISE. We're friends pa rin naman diba? Oh, we're friends pala talaga! Hahhahaha!
Di nalang ako nag-reply kay Kathryn, di ko naman kasi talaga gusto yan eh.
*drrrrt *drrrrt
May nag-text nanaman? At galing kay Michelle
From: Michelle?
Hoy Angelo na mukang demonyo, papunta na ako dyan. Sabi ni tita carol pumunta daw ako eh.
Mukhang demonyo? Sa gwapo kong to?! Malabo na ang mata neto, may trabaho nga pala to kaya pupunta...hmmm, ayain ko na lang kaya sa mall? Boring kasi talaga dito eh.
maka-reply nga....
To: Michelle?
Hoy bababe, ang gwapo ko naman para maging kamukha mo noh! Hihintayin kita dito, pumasok ka na lang agad, wag ka na mag-doorbel, papagurin mo pa yung mga katulong na pagbuksan ka ng gate eh. Pumasok ka na agad sa kwarto ko.
*Sent!
Maliligo na lang ako bago sya dumating, mabagal naman siguro kumilos yun kaya mamaya pa dating nun.
*ligo...*ligo...*ligo....
Teka asan yung towel ko? Aiiiist! Nasa labas? Hassle naman oh! Tumutulo pa ako eh! Ako lang naman mag-isa sa kwarto ko kaya lumabas nalang ako..
"KYAAAAAAAAAAAAAAH~! WAAAAAAAAAAA~!" Nakng teteng! Napabalik nalang agad ako ulit sa c.r, nakita nya ata! nakakabwiset naman oh! Akala ko matagal pa sya, sino sya? Si Flash?
"Walanghiya ka Gelo! Kaya mo pala ako pinapasok agad!"
"I-abot mo nalang yung towel ko! Di ko alam na andyan ka pala....Sorry,"
"At ipapa-abot mo pa sakin? Bastos ka talaga!"
"Eh anong gusto mo? Lumabas ako ng ganito?"
"Oo na! Eto na" binuksan ko na lang ng onti yung pinto para di nya ako makita, pero nung nakita ko sya, nakapikit at parang diring-diri sa pag-aabot ng towel ko.
"Thanks" sabi ko nalang. Pagkasabi ko nun sinarado ko nalang ang pinto at nag bihis na..... Pagkatapos ko magbihis lumabas na ako.
"Sorry sa kanina" What the? Nag-sorry ako?
Inirapan lang ako? Sa kanya na nga nag-sorry eh.
"Teka, bakit namumula ka?" ang cute nya ^_^v
"Ano bang pake mo?"
"Haha! Tara sa mall!" sabay higit ko sa kanya,ayy ang tanga ko! Wala nga pala akong kotse! Ginamit ni kuya!
BINABASA MO ANG
My Campus Prince
HumorA story of a Campus Prince who fell inlove with a normal girl. But what if his so-called "ex" came back? What will happen next?