Agatha's POV
*Yawnnn!*
*Kusot mata*
*Yawnnn!*
*Kusot mata*
"Goodmorning World!!!" Sigaw ko, with matching taas pa ng kamay and wagayway.
Nagstretch muna ako bago dumiretso sa banyo and do my daily rituals. Paglabas ko ng banyo dumiretso agad ako sa walk-in closet ko at naghanap ng damit.
*Hagis dito*
*Hagis doon*
After 123456789 years nakapili na din ako ng isusuot. I choose a simple tee top, fitted denim jeans and red pumps then viola isang dyosa ang bumaba galing sa langit. ^_^
*Knock.. Knock..*
"Pasok po."
"Ateee! Goodmorning." Masiglang bati sakin ni Nics.
"Goodmorning Nics. Ang hyper natin ah anong meron?" Natatawa 'kong bati sa kapatid ko.
"Wala lang Ate. Excited lang po ako. First day of school po kasi."
"Ang sabihin mo excited ka lang makita si Dominic. Hahaha. Yieee!"
"Ate naman e! :3"
"Joke lang baby sis. Hahaha. Osya tara na baka mahuli pa tayo."
Pagbaba pa lang kami ng hagdan ni Nics eh amoy na amoy na namin yung niluluto ni Manang.
Pagpasok namin ng Dining Area nakita ko na agad si Mommy at Daddy na nakaupo.
"Goodmorning Mommy. Goodmorning Daddy." Bati namin ni Nics sa kanila at agad lumapit upang halikan sila sa pisngi. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa upuan namin.
"Goodmorning din mga anak!" Bati ni Mom.
"Oh kumain na kayo at baka malate pa kayo. At dahil first day niyo ngayon ako ang maghahatid sa inyo." Sabi ni Dad sabay higop ng kape.
"Talaga Dad?" Excited na sabi ni Nics.
"Oo. Ayaw nyo ba?"
"Syempre gustong gusto Dad."
Pagkatapos kumain ay hinatid na kami ni Dad nauna si Nics ihatid bago ako.
"Agatha." Seryosong tawag sakin ni Dad habang nagmamaneho.
"Yes Dad?"
"Ready ka na ba sa bagong mundo na papasukin mo?"
"Oo naman Dad. Ako pa! Girl scout yata 'to laging handa." Masigla 'kong sagotkay Dad. Kahit na ang totoo ay kinakabahan ako ng kaunti.
"Hahaha. Manang man ka talaga sakin."
"Naman Dad!"
Pagdating namin ay agad akong humalik kay Dad bago ako tuluyang bumaba. Tinanaw ko ang palayong sasakyan ni Dad bago tuluyang pumasok sa university.
*lakad.. Lakad..*
*Hanap.. Hanap..*
Hayyy sa wakas nahanap ko na din. Room 143.
"Phew! This is it! Eto na talaga yun. Hello college life!!!" Sabi ko sarili ko bago tuluyang buksan yung pinto.
*Click..*
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad agad sakin ang lalaking natutulog sa sulok ng room. Siya pa lang ang nandito. Di ko na lang pinansin at naghanap na ako ng upuan ko at napili ko na sa harap umupo.
Nilabas ko na lang yung favorite romance novel ko at nagbasa. Hay nakakakilig talaga sila. :)
*Yawnnn!*
Maya-maya narinig 'kong naghikab na yung classmate ko. Well, bilang isa akong friendly na tao e, babatiin ko sya.
"Hi ako nga pala si----"
Hindi ko natapos ang pagpapakilala ko dahil ng makilala ko kung sino ang lalaking yun ay agad kumulo ang dugo ko.
"Hey. Nice to see you again Vega." Bati niya with matching killer smile.
"Tsk." Tumalikod na ko sa kanya. Sinara ko na yung book at nilagay sa bag tapos ay lumabas na ko ng room. Ayokong masira ang first day ko ng dahil sa mayabang na yun.
To be continued..
BINABASA MO ANG
PATH THAT LEADS ME TO YOU ♥
Novela JuvenilCOLLEGE?! Ibang-iba sa Elementary at High School days.. Dahil dito mas marami 'kang tao na makikilala, mga taong may iba't-ibang ugali.. Ang iba ay magiging kaibigan mo samantalang ang iba ay magiging kaaway.. Pero higit sa lahat dito mo ba matatagp...