Agatha's POV
"Nakakainis bakit ba naman sa lahat ng pwedeng maging classmate si Yabs pa! Argh!" Maktol ko habang naglalakad. Lumabas muna ako ng room na yun dahil masyadong polluted. -_____-
Oo nga pala Business Management ang course na kinuha namin ni Bes. Alam niyo na future heir of our family businesses. Hay. Culinary sana ang gusto 'kong kunin, well basically Pastry. I want to be known as the world's greatest patissier. Gusto 'kong magtayo ng sarili 'kong Pastry Shop.
Lakad ako ng lakad at hindi ko namalayan na malayo na pala ang nararating ko. Paglingon ko sa paligid ko walang masyadong estudyante sa lugar na 'to.
Puro matataas na puno at halaman, meron 'din mga nakatanim na bulaklak. Nakakarelax tingnan. Naglakad pa ako ng konti at nagulat ako sa nakita ko.
"Isang greenhouse?!" O.O
May greenhouse sa school na 'to?! Ang bongga! Kaya naman pumasok ako sa loob ng greenhouse dahil mukha naman syang open sa public.
"Wow! Ang ganda!" Nasabi ko ng malakas dahil sa sobrang pagkamangha. Kung may bulaklak sa labas, e mas marami pa yung nandito. Iba't ibang uri ng bulaklak. Meron din yung pinakapaborito ko. Roses!!!
*lingon sa kanan.*
*lingon sa kaliwa.*
*lingons sa likod.*
Clear! Nang masigurado 'kong walang nakakita sakin ay pumitas ako ng isang red rose at inilagay iyon sa tenga ko. Oh edi kamukha ko na si Rosalinda. Hahaha.
Naaliw ako sa pagtingin tingin at pag-amoy sa mga bulaklak, dahil sa greenhouse ay nawala yung pagka-inis ko kanina dun kay Yabs. Nang maalala 'kong may klase pa pala ako, kaya naman tingin sa wristwatch 7:55 na! 5mins. na lang start na ng klase. Patay!
*Takbo.. Takbo..*
*Hingal.. Hingal..*
Nasa tapat na ko ng room bubuksan ko na sana yung pinto ng mag-vibrate yung phone ko. Tiningnan ko kung sino yung nagtext.
From: Bes Pix <3
San kna Bes? Dito kami sa Auditorium.
Hindi nko nag-reply at agad hinanap kung nasaan yung Audi. Buti na lang at may nakita akong ibang estudyante at mukhang papunta din dun kaya sinundan ko na lang sila.
Pagpasok ng Audi agad 'kong hinanap si Pix pero di ko siya makita dahil sa dami ng estudyante na nandito. Kaya naman tinext ko siya.
To: Bes Pix <3
Dito na ko Audi. San ka banda?
Wala 'pang 1min. May reply agad si Bes.
From: Bes Pix <3
Dito sa harapan, sa may right side.
Okay. Agad naman akong naglakad papunta sa pwesto na sinabi ni Bes. Buti na lang di pa nag-uumpisa. Kumaway naman siya kaya agad ko siyang nakita at umupo sa tabi niya.
"Where have you been? Bakit ngayon ka lang? Atska bakit ka may bulaklak sa tenga?! Hahaha." Tanong niya sabay tawa.
Shocks! Oo nga pala yung pinitas ko kanina. Naconscious naman ako kaya agad 'kong inalis.
"Ah wala idol ko kasi si Rosalinda. Ha. Ha. Ha. Atska napaaga pasok ko e, kaya nag-stroll muna ako. Ano 'bang ginagawa natin dito sa Audi?" Sabi ko sa kanya.
"Ah. Orientation daw. Bes! Hindi ko pa nakikita si Papalicious Terrence ah." (Insert kilig tone)
"Psh. Andyan na, at siya agad ang bumungad sakin kaya sira ang araw ko." Bulong ko.
BINABASA MO ANG
PATH THAT LEADS ME TO YOU ♥
Genç KurguCOLLEGE?! Ibang-iba sa Elementary at High School days.. Dahil dito mas marami 'kang tao na makikilala, mga taong may iba't-ibang ugali.. Ang iba ay magiging kaibigan mo samantalang ang iba ay magiging kaaway.. Pero higit sa lahat dito mo ba matatagp...