Best Friend- 1

179 6 0
                                    

Hidden feelings.

"Langya Naman suga! Sino na naman 'yang natitipuhan mong babae? Ikaw talaga napaka playboy mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Eh, Si Ano nga 'Yung classmate natin sa geometry 101"

"Sino nga? Andami nating classmate dun! Walanjo ka talaga suga!" Sigaw ko ulit.

"Si ano... Nakakahiya e..."

"Sino nga?"

"Si Ella!"

Ahh si ella, 'Yung transferee sa section namin. Si ella ay maganda, Maputi mahaba ang buhok and such.

"Ahh" Nasabi ko nalang

"Ano, Tulungan mo naman ako sa kanya. Please" Aniya at ngumuso pa.

"Eh di ako magaling sa ganyan. Paturo ka kay Namjoon" Sabi ko

"Ehh, Busy 'Yun may nililigawang bago e." Sabi niya

Napaka chick boy talaga ni namjoon.

"Ehh, Sige na nga"

"Ano ba yan jimin eh! Muka kang napipilitan" Angal niya

"Eh napipilitan naman talaga ako e."

Lumapit naman siya sa akin at inakbayan ako. Shit puso ko.

"Eh jimin naman e. Please tulungan mo na ako. Ililibre kita ng favorite mong ice cream" sabi niya

"Oo na sige na. Tutulungan na kita" Sabi ko at ngumiti.

"Ahh salamat talaga! Thank you bestfriend!" Sabi niya at umalis na

Walanjo! Bestfriend zone? Sakiiiiiit!

Naupo nalang ako dito sa isang bench dahil break time na rin naman.

Park jimin nga pala.

Naka upo lang ako dito walang balak kumain ngayong break time. Ang hirap naman palang maging bestfriend lang.

Bestfriend na kami ni suga dati pa, Almost 4yrs na rin yata, Syempre nakilala ko rin doon sila namjoon, Jin, V,at jungkook pati na rin si j-hope.

"Hoy jimin! Tulala ka dyan!" Binalingan ko naman kung sino 'yun at nakita ko si V.

"Ah hindi, may iniisip lang. Tsaka anong ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Duh! Jimin dito rin po kaya ako nag aaral. Incase na hindi mo alam" Umirap naman siya

"Ewan ko sayo V!" Sabi ko

Lumapit naman siya sa akin at ngumiti.

"Ano? Bestfriend zone parin ba?" Tanong niya

Tumango naman ako.

"Maghanap ka na kasi ng iba. Alam mo namang may mahal na si suga hyung e. Si ella" sabi niya

"Oo nga e, pinapatulong niya pa nga ako kung pano daw manligaw"

"Ouch  'yun ha." Sabi niya at tumawa

"Sanayan nalang 'yun V" sabi ko at ngumiti

"Haay nako. Andami namang tao dito bakit si suga hyung ang nakita mo" Sabi niya

"Ganoon talaga V. Pag mahal mo siya lang ang makikita mo" sabi ko

"Ewness, Ang cheesy ha" sabi niya.

Napailing nalang ako.

"Napaka common na ng lovestory niyo."

"Ha? Anong common?" Tanong ko

"Madami na kasing naiinlove sa mga bestfriend nila. At isa ka na dun" sabi niya

"V" sabi ko ng may babala

"Oh, oh. Easy ka lang. Tsaka totoo naman eh"

"Sabagay."

Nagkaroon muna ng ilang minutong katahimikan bago ako nagsalita.

"Nainlove ka na ba?" Tanong ko kay V

"Oo" sagot niya

"Kaynino?"

Ngumiti muna siya tinignan ko naman ang mga mata niya. And i can see sadness and hurt in his eyes.

"Kay jungkook"

Nanlaki naman ang mata ko. Shems! Kay jungkook?

"Seryoso?" Tanong ko

"Oo, Kaya parehas tayo. Nainlove tayo sa mga bestfriend natin" sabi niya at tumawa

Oo nga...

"Ang clichè no?" Tanong niya

"Sobra..." Sagot ko

"Tayong dalawa nalang kaya? Parehas naman tayong broken" Sabi niya

Tumawa naman ako sa naiisip ni V

"Ewan ko sayo V. Tsaka ayoko no, Kay suga lang ako"sabi ko na siyang nagpatawa kay v

"Kay suga ka nga. Sa kanya ka ba?"

Nanliit naman ang mata ko sa kanya.

"Peace" Sabi niya at nag peace sign.

"Di nakakatuwa V!" Sabi ko

"Oo na sige na sorry na talaga"Sabi niya

Tumahimik nalang ako at di na siya pinansin.

Tama naman si V, Hindi sa akin si suga at hindi ako sa kanya in short mag bestfriend lang talaga kami. Napa buntong hininga naman ako sa iniisip ko.

"I have a plan" Sabi ni V "I have an apple" Habang nag aaction pa

Inirapan ko naman siya.

"Ano ba 'yun V?" Tanong ko

"Why dont we make them jealous?" Aniya at tumataas baba pa ang kilay.

"Paano naman?" Tanong ko

Lumapit naman siya sa akin at bumulong.

"Ewan ko basta pagselosin nalang natin" Sabi niya at ngumiti.

Whaat?

"Pano kung Hindi mag work?" Tanong ko

"Bahala na. Pero  malay mo lang naman diba mag work"

Sabagay, Tch. Napaka common din nung plano ni V. Pero there's no harm in trying naman diba?

"Sige..." Sabi ko

Tumango naman siya at ngumiti ng malawak.

...Wish this will  work, Wish me luck.

Best Friend ♡ Bts || YoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon