Best Friend- 3

101 5 1
                                    

Ligawan 101

Nandito na ako ngayon sa bahay namin dahil tapos na ang klase.

"Namjoon naman! Puro panliligaw yang inaatupag mo! Bakit kaya di mo itry magtrabaho minsan!" Rinig kong sigaw ni Jin

"Ano ba pakielam mo?!" Tanong ni namjoon kay jin

"Anong pakielam ko? Lahat! Bakit? Kasi sa tuwing manliligaw ka! Lahat ng binibigay mo sa nililigawan mo pera ko okay?! 'Yung pang date mo't lahat lahat galing sa akin ok? Kaya wag mo kong tanungin kung anong pakielam ko! Dahil simula ngayon bahala ka na sa buhay mo at bahala ka na rin sa mga nililigawan mo!" bulyaw ni jin.

Lumabas naman ako mula sa kwarto at pinuntahan si jin. Nakita naman ako ni namjoon pero inilingan ko na lang

"Oh jin hyung, 'yung puso mo nako" sabi ko at tumawa

"Nako pandak tigilan mo ko ah!" Sabi ni jin sa akin

"Ay nako, Umakyat ka na nga muna sa kwarto mo" sabi ko

Umiling nalang siya at umakyat na sa kwarto niya.

Nakita ko naman na paalis na si namjoon.

"Pupunta ka na naman dun sa nililigawan mo?" Tanong ko

"Tungeks hindi muna. Maghahanap ako ng trabaho" sabi nito at ngumiti.

Buti naman at may natutunan siya sa sermon ni jin hyung. Umakyat ulit ako pero nadaanan ko ang kwarto ni v at jungkook wala pa sila. Sa susunod na kwarto naman ay ang kay suga, Nakita ko siyang nakatalikod at may kausap sa phone.

"Ella... " Sabi nito

Bumigat naman ang puso ko sa pagbanggit niya ng pangalan ni ella. Pero bago pa ako makaalis dun nakita na ako ni suga.

"Ooy jimin!"sabi nito ng nakangiti

"Oh bat ngiting ngiti ka dyan" sabi ko

"Pumayag na kasi si ella na ligawan ko siya!" Masayang sabi nito.

Ngumiti naman ako ng pilit.

"Oh mukhang maganda nga 'yun" sabi ko pero deep inside masakit na

"Oo at sinabi mo diba tutulungan mo akong manligaw?" Sabi nito

Napatango naman ako. "Ngayon na ba?" Tanong ko

Tumango nama siya ng nakangiti.

"Sige magbibihis lang ako, May naisip ka na ba kung paano?" Tanong ko

"Oo" sabi nito.

Agad agad na akong pumasok sa kwarto ko. Ano ba itong ginagawa ko? Tinutulungan ko ang taong mahal ko na manligaw ng iba.

"Oh ready ka na ba?" Tanong ko ng makita ko si suga sa sala

"Yep, Tara na" ngiti niyang sabi.

Nakita ko namang may Hawak siyang bulaklak at papel. Hmm papel not the typical chocolates for begginers. I laugh in my mind as i think what i thought. Sabay kaming naglakad paalis ng bahay. Palubog na pala ang araw.

"San ba bahay nila?" Tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya

"Malapit lang sa atin, Mga ilang kanto lang" He answer

Naglakad lang kami ng biglang magring cellphone ko

Cheska calling:

Slinide ko 'yun at tinapat sa tenga ko

"Hello?"

("Uhh... Si jimin ba 'to?")

"Yeah, Bakit ka napatawag cheska?"

Nakita ko namang nakatingin sa akin si suga at nakangiti.

"Anong problema mo?" Tanong ko sa kanya

"Yieee" Aniya bago maglakad paalis

"Uhh ano cheska sorry kausap ko kasi si suga. Bakit ka nga pala napatawag?"

("Im sorry to interupt, But can you come over to... Uhm... my h-house?")

Nagulat namana ko sa sinabi ni c-cheska

"H-ha? B-bakit naman?"

("I just need... Sniff... someone to talk")

Narinig ko siyang suminghot.

"H-hey are you crying?"

("Ahm, No may sipon lang. Sige next  time na lang")

Sabi nito at binaba na ang tawag. Weird. Binalingan ko naman si suga na nakatingin sa akin, Pinuntahan ko siya at nginitian ulit.

"Asan na ba 'yung bahay nila ella?"tanong ko

Ngumuso naman siya sa may likod ko. Sinundan ko 'yun. Napatango na lang ako. Hindi ganun kalaki ang bahay nila ella. Two storey house at may isang hanging garden. Cute though

"Hmm, Ano ready ka na ba? Para manligaw?" Tanong ko

Tumango naman siya and i feel that his nervous

"Ninenerbyos?" Tanong ko at tumawa ng bahagya

He lightly punch me in my shoulder.  "Baliw!"

Nag doorbell siya at ngumiti sa akin. Ilang minuto lang ay may lumabas na babae siguro mas matanda lang sa amin.

"Uhh hello po, Andyan po ba si ella?" Tanong ni suga.

Hinead to foot niya muna kami bago ngumiti at nagsalita.

"Yeah she's inside"

Inilahad naman niya sa amin ang bahay at pinapasok kami.

Pagkapasok namin nakita ko agad si ella na nakaupo sa may sopa at napatayo siya ng makita kami.

"A-anong ginagawa niyo dito?" Utal nitong tanong

Pinakita naman ni suga ang kanyang dalang bulaklak at papel. Naintindihan naman ni ella 'yun at bahagya siyang napayuko.

"I think she's blushing" sabi ko kay suga ng nakangisi

Siniko niya naman ako sa may tagiliran

"And i find it cute" Aniya ng nakangiti

Nawala naman ang ngisi ko sa mukha at napalitan ng blank face. It hurts!

"A-ano? M-may gusto ba kayo?" Tanong ni ella

Ngumiti naman ng nakakaloko si suga. "Pwede bang ikaw nalang sa akin?"

Natawa naman 'yung babaeng nagbukas sa amin kanina.

"Kabataan nga naman" rinig kong bulong nito

"A-ano, Si Ate Chad nga pala." Pagpapakilala ni ella

Nakipagkamay naman ako kay ate chad ganun din si suga. Wow! Ang galang nito ngayon. Sabagay para mag pa impress.

"Maupo muna kayo" Aya ni ate chad

Naupo na ako sa may sopa samantalang si suga ayun dumidiskarte na. Napayuko naman ako dahil naiingit ako kay Ella. Naiinggit ako kasi napansin siya ni suga. Naiingit ako kasi ineefortan siya ni suga para manligaw. I envy a lot Ella for making suga crazy for her. I envy her... so much.

Natapos ang panliligaw ng mag aalas otso na.

"Sige Ella bye. Kita na lang tayo bukas sa school"sabi ni suga

Tumango nalang ako sa kanila at ngumiti.

Di pa kami nakakalayo sa bahay ni ella ng sumigaw si suga!

"Whoooooo!!! Shems ang saya!" Sigaw nito.

Nginitian ko na lang siya.

Sana ako nalang ang nililigawan niya at sana ako nalang ang dahilan ng pagngiti niya. I frown in the thoughts as i realize what am i thinking... Imposibleng mangyari 'yun... Manhid siya, Torpe ako. Kaso nga lang may dumating na iba. That's why i feel down... really down.

Best Friend ♡ Bts || YoonminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon