The plan.
Sabi ni V ngayong araw na daw namin gagawin 'yung plano.
"Ready ka na ba?" Tanong ni V
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot "Oo."
Sabay kaming pumasok ni V, samantala sila Suga, Jungkook ay nauna na. Then si namjoon at jin nasa bahay nalang dahil graduate na at sa iisang bahay lang kami nakatira, habang si jhope naman ay kumakain ng damo. Joke kumakain kasama 'yung alaga niyang kabayo.
(- -*)Pagkapasok namin ng university nakita ko agad si suga. Pupuntahan ko sana ng hinila ako ni v
"Hoy! Nakalimutan agad? Nakita lang si suga." Sabi niya
Napahinto naman ako at sinabayan nalang siya maglakad. Oo nga pala.
Naglakad lang kami ni V ng napansin kami ni suga.
"Oy jimin, V!" Sabi niya ng nakangiti.
"Oy, Suga hyung" Sabi ni V
"San kayo pupunta? Papasok na kayo?" Tanong niya
"Ah oo, Tara na V" sabi ko at hinila na si V
Langya bakit ko nagawa 'yun?
"Wow, Naiwasan mo si suga. Thats nice" sabi ni V ng makalayo kami.
"Kung alam mo lang V" Bulong ko
"Sa una lang yan, Sa huli masasanay ka na rin na wala siya at malalaman mo na lang na wala ka ng feelings sa kanya" sabi ni v
"At marerealize niya na lang din na nawala na sa kanya ang best friend niya" pahabol niya.
Napailing nalang ako. Pumasok kami sa una naming klase sunod ang geometry 101 kung saan wala si V at nandun naman si suga at ella.
Pumwesto ako sa dulong parte ng classroom. Habang si suga naman ay sa gitna kung saan katabi niya si ella. Langya! Bat dito pa ako pumwesto edi kitang kita ko sila.
Nakita ko naman ang pag ngiti ni ella kay suga. Walanjo! Ano to bakit may ngiti ngiti effect? Tsk. Antagal naman ng professor namin.
"Wala daw si prof. Pero may iniwang activity" sabi ng president namin.
Nag si angal naman ang mga classmate ko.
"By pair daw to. So gagawa kayo ng parang reviewer sa darating na midterms. Okay?" Sabi ng president.
Pagkatapos sabihin 'yun nag si tayuan na ang mga ka-klase ko at nag si hanap ng kapartner. Dati tuwing my pairing lagi kaming partner ni suga pero ngayon mukhang hindi na. Si ella na.
"A-ahh, H-hello? May partner ka na?" Bumaling naman ako sa kumausap sa akin.
"Wala pa e, Gusto mo tayo nalang?" Sabi ko at ngumiti
Lumiwanag naman ang mukha niya.
"Sige ba, Cheska nga pala kung di mo alam." Sabi niya at bahagyang tumawa
"Ahh ji--"
"Kilala na kita. Ako di mo pa ako kilala since nung first day dahil na observe kong di ka masyadong friendly sa iba" sabi niya
"Ahh oo, Sorry" sabi ko at nilagay ang kamay ko sa may batok
"Ang cute mo" aniya at pinisil pa ang pisngi ko.
Nagulat naman ako sa ginawa niya at mukang nagulat rin siya sa ginawa niya.
"S-sorry" sabi niya at yumuko
"Hehehehe, Hindi okay lang. Nagulat lang din ako" sabi ko
"Ah, Ano gawa na tayo ng reviewers" sabi niya
I find her cute rin lalo na nung yumuko siya. Habang gumagawa kami ng reviewer napatingin ako sa gawi ni suga. Nakita ko namang nakatingin siya sa akin kaya nginitian ko siya. Nag thumbs up din siya at kumindat sa akin na parang sinasabing 'This is my time'. Napailing naman ako sa sakit na naramdaman ko sa may bandang puso. Time niya na para kay ella :'(
"Huy jimin!" Rinig ko namang sigaw ni cheska
"Ha? Oh ano 'yun?"
Napailing naman siya "Sabi ko patingin ako ng reviewer mo"
Binigay ko naman agad ang reviewer ko sa kanya.
"Wow, This is nice. Favorite mo ba ang geometry?" Tanong niya
"Ahh eh, Oo." Sabi ko
Ngumiti nalang siya at binalik ang reviewer ko. Gumawa nalang kami hanggang sa mag break time. Nang mag break time na hindi ko na nakita si suga subalit nakita ko si cheska na nakatingin sa akin
"Ah bakit ka nakatingin?" Tanong ko
"Ano, S-sabay na tayo mag lunch sana" Sabi niya
Tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Pagkalabas namin nakita ko agad si V na naghihintay
"Oh sino yang kasama mo jimin?" Tanong niya
"Si Cheska nga pala classmate ko" sabi ko
Ngumiti naman siya kay cheska at nagpakilala.
"Lunch na kami, Sabay ka?" Tanong ko
"Ahh hindi na sige na hahanapin ko pa si jungkook" sabi niya
Pero bago siya umalis lumapit siya sa akin at bumulong
"Mukhang may tutulong na sayo para pagselosin si suga hyung ah" ani V
Humarap naman ako sa kanya
"Baliw, Hindi niya alam"
"O sige, Sabi mo e." Aniya at umalis na.
Umiling nalang ako at binalingan ulit si cheska na nakangiti.
"Bakit ka nakangiti?" Tanong ko
"Wala lang, Ang charming Lang nung V" sabi niya
Haay nako. Niyaya ko na lang siya papuntang canteen.
"Ano sayo?" Tanong ko
"Ahh, Di ako bibili may baon ako" sabi niya at pinakita ang isang lunch box
Di ko napansin 'yun ah.
Tumango tango nalang ako at bumili nalang ng tubig.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya
"Hindi na, Kain ka nalang dyan" sabi ko
Pumwesto kami dito sa may bandang likod and luckily nakikita ko na naman si suga at ella.
"Kilala mo ba si ella?" Out of nowhere kong natanong
"Uh-uh" sabi niya
"Bestfriend mo?" Tanong ko.
"Haha Hindi tungeks."
"Eh ano?"
"Wala lang, Tsaka ayoko sa kanya. May attitude kasi 'yun ' yung feeling na kala niya lahat ng lalaki may gusto sa kanya! Wow ah ang feeling niya." Sabi nito at mahahalata mong may galit siya dito
"Bakit parang galit ka dun"
Natawa naman siya ng bahagya" anong parang? May galit talaga ako doon" sabi nito
"Bakit naman?"
"Pano naman kasi binoyfriend niya rin 'yung kuya ko at nalaman niyang mayaman kami, Ayun nag pabili na ng kung ano ano. In short! Gold digger!" Sabi niya pa habang nakatingin kay ella.
Gold digger?
BINABASA MO ANG
Best Friend ♡ Bts || Yoonmin
Acak//Short Story// . Once upon a time, I fell inlove with my bestfriend. Clichè right?