Official.
"Official?!?!" Sigaw ko.
"Oo nga jimin! Di ka ba nakakaintindi?" Sabi nito na akala mo di makapaniwala
"Ohmaygash!" Bulyaw ko
"Tangna umayos ka nga jimin! Naiintindihan mo ba talaga?! Official na si suga at ella! Magshota na sila! Pucha hirap kausap!" Anito at umiling iling pa.
"Putspa! V!!!!!" Sigaw ko at inaalog alog pa siya.
Napabuntong hininga naman siya.
"Haay, Jimin sinasabi ko sayo. Tigil mo na 'yan, Mukhang wala na talagang chance e" sabi nito at tumalikod sa akin
"Mukhang wala na nga talaga v" sabi ko at tumalikod na rin.
"Fk! Really loving can hurts sometimes" ani ko at napa iling iling habang naglalakad.
Pumunta naman ako sa pinakamalapit na park. Matapos mangyari ang napaka intense na laro kahapon hindi pa ako pinapansin ni suga at malaman laman ko na lang na sila na ni ella. Putspa naman ohh.
Umupo muna ako dito sa may swing. Nagmumuni muni hanggang sa may tumabi na rin sakin, Hindi ko nalang pinansin.
"Mag isa ka yata?" Sabi nito
Tinignan ko siya at napagtanto kong si cheska pala 'yon.
Ngumiti na muna ako. "Haha oo nga e."
"Siguro alam mo na" sabi nito
"Syempre ako pa ba?" Sabi ko ng natatawa pero di parin maiwasan ang pagiging peke nito.
"Mahal mo bestfriend mo no?"
Napatingin naman ako sa kanya, Bago sa ibaba ulit
"Paanong?"
"Jimin, Di ako tanga at mas lalong hindi ako manhid o bulag"
"Hmm, Napansin mo rin pala" pagsisimula ko "... Oo, Mahal ko bestfriend ko, Mahal ko si suga. Ang clichè ano? Ewan ko nga kung bakit siya pa e. Di ko rin alam kung bakit sa kanya pa tumibok 'yung puso ko. Tangnang feelings!" Di ko napansin na tumutulo na pala 'yung luha ko. Pinunasan ko agad ito
"Jimin..."
Ngumiti naman ako "Hindi okay lang, Sanay na ako. Sanay na akong maging bestfriend lang." Sabi ko at ngumiti ulit
"Ano? Alis na ako. Ikaw ba?"tanong ko
"Aalis na rin"
"Hatid na kita tara." Sabi ko
Tumayo kami sa pagkakaupo sa swing at sinimulan ng maglakad.
Kalahati palang ng nalalakad namin wala ng nagsasalita.
"Jimin" pagbabasag ni cheska sa katahimikan
"Hmm?"
"Sa lahat ng lungkot minsan may kapalit na saya. Sana maging masaya ka kahit malungkot ka at nasasaktan. Hahaha, Sige mauna na ako. Bye" anito at umalis na
Sana maging masaya ka. . .
Paano?
------
Ilang weeks din ang nagdaan ng malaman kong official na sila ella at suga. Kinakausap na rin ako ni suga at humingi ng patawad.
"Wooy, Jimin! Tulala?" Katulad ngayon kausap ko siya
"Haluh, Hindi may naisip lang"
"Sinooooo?! Nakoo ikaw ah. Hahaha" anito at ngumiti shems. The smile.
BINABASA MO ANG
Best Friend ♡ Bts || Yoonmin
De Todo//Short Story// . Once upon a time, I fell inlove with my bestfriend. Clichè right?