CHAPTER 4

33 11 0
                                    

Lumipas ang ilang oras na byahe ay nakarating din kami sa bahay, namiss ko ito. Sobra akong natuwa dahil wala naman itong masyadong pinagbago.

Habang abala si Nay Rosie at Kuya Brian sa mga gamit ay pumasok na ako sa loob ng gate at dumeretso na sa bahay, nang kabigin ko ang seradura ng pinto ay nadatnan ko si ate na may kausap sa sala. Nakatalikod sa akin ang kausap nito kaya naman di ko makita kung sino. But it's look like familiar to me.

"Ate?" Pagtawag pansin ko dito na ngayon ay nakatingin na sa akin at ganoon din si...

"Ranz?" Bulalas ko.

Ilang segundo din itong nakatitig sa akin marahil ay di niya ako makilala sa laki ba naman ng pagbabagong nangyari sa akin. Nang mapagtanto niya kung sino ang kanyang kaharap ay dali-dali itong lumapit sa akin at kinabig ako para yakapin ng mahigpit.

"Yhurie..." Nakangiting sambit nito habang ginantihan ko naman ito ng yakap.

"*ehem*" Pagtikhim ni ate kaya naman napabitiw si Ranz sa pagyakap sa akin at ngumiti, "He said that he is one of your friend that's why----" Dagdag na sabi pa nito na pinutol ko..

"He is" Nakangiti kong saad dito.

"Okay, maiwan ko na muna kayo." Sambit nito at nagpaalam na upang tulungan sina Nay Rose sa labas.

Kami na lamang ang naiwan sa sala.

"Kamusta? Masaya ba ang buhay ibang bansa?" Mga tanong nito ng maka-upo na kami.

"Okay naman, parang hindi mo naranasang tumira sa ibang bansa." Natatawang sagot ko dito.

"Ahm namiss kita." Seryosong saad nito habang nakatitig sa akin.

"Parang 3 years lang naman akong nawala ah." Biro ko dito na ikinatawa niya.

"Three years lang? Are you okay? Or maybe because of jetlag?" Natatawang sabi nito, "Matagal yun for petesake." Dagdag pa nito.

"Oh sya magpapaalam na ako at lumalalim na din ang gabi, magpahinga ka na at bukas ay pupunta ulit ako." Nakangiting sambit nito at bago tumayo ay ginulo muna ang aking buhok.

"Sige, ihatid na kita." Saad ko at tumayo na din.

Inihatid ko na lamang sya sa labas ng gate.

"Bukas na lang ulit." Pagpapaalam ko dito

Tumango lamang ito at sumakay na sa kotse na kanina pa naghihintay sa labas ng bahay, sosyal may sundo haha. Pumasok na ako sa loob at nakita sina Nay Rosie na abala sa pagbuklat ng mga bagahe at kahon.

"Nay magpahinga na po muna kayo ni kuya Brian at bukas na lamang po natin iyan asikasuhin." Nakangiti kong sambit dito.

"Aayusin ko lamang ang ilang gamit dito hija." Saad naman nito,

"Basta ay huwag na po kayong magpakapagod at magpahinga na din po kayo pagkatapos mahabang byahe po ang ating pinagmulan." Paalala ko dito at nagpaalam na.

Umakyat na ako sa aking silid upang makapagpahinga na din, nang makapasok ako sa aking silid ay walang pinagbago pero malinis ito kaya naman dali-dali akong sumampa sa aking kama at nahiga. Namiss ko ito ng sobra. May ngiti sa aking mga labi ng ako ay matulog.


RANZ POV

"Ano bro, bakit ngayon ka lang?" Bungad na tanong sa akin ni Cav pagkadating ko sa tambayan.

"Dumaan pa ako kina Yhurie.." Sagot ko dito at naupo sa sofa malapit sa kanya.

"Sinabi mo na?" Singit ni Biboy,

Fell in Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon