CHAPTER 3

41 11 0
                                    

"Diba sya yung nerd na nasa blind item?" Sambit ng isang babae. Nerd? WTF!

"Yes bessy." Pagsang-ayon naman ng kausap nito.

"Don't you dare mess up with her, my mom said na pamangkin sya ng principal." Singit naman ng isa.

Hindi ko na lamang sila pinansin pa at binilisan ko na lamang ang paglalakad patungo sa aking paparoonan.

Nang makarating na nga ako sa tapat ng pinto ni Auntie ay kumatok na muna ako tsaka hinintay na pagbuksan ako.

Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang nakangiting secretary ni Auntie.

"Hi Ate Mia, naandiyan po ba si Auntie?" Nakangiti kong bati dito at magalang na nagtanong.

Binuksan ng malaki ang pinto at nakangiting pinapasok ako sa loob, nadatnan ko si Auntie na abalang-abala sa mga papel na nasa kanyang harapan.

Mukhang hindi nga ako napansin nito.

"Hi Auntie..." Nakangiti kong bati dito kasabay ng paglapit at paghalik sa kanyang pisngi.

"Hija," Pansin nito sa akin at nakangiting gumanti sa pakikipagbeso, "Naparito ka, may kailangan ka ba?" Dagdag pa nito na abala pa din sa mga papel na kanyang inaasikaso.

"Ahm, don't worry Auntie wala naman po. I would like to ask lang naman po about my papers para sa pag-alis po?" Dere-deretso kong sambit dito.

"Yes hija, next week na ang alis mo." Pagsagot naman nito sa akin, "Sigurado ka na ba?" Tanong pa nito.

"Opo, sigurado na po ako." Pagsang-ayon ko dito, "Matagal ko na din po kasing hindi nakikita at nakakasama sina mommy." Malungkot na pagsaad ko pa.

"Okay, ikaw naman ang bahala hija at nasabihan ko na din pala sina Yaya RosIe mo para maayos yung mga gamit na dadalhin mo." Sabi nitong muli, "Nakapagpaalam ka na ba sa bestfriend at kina kuya Ully mo?" Pagtatanong pa nito.

"Baka po mamaya ko po sila kausapin isa-isa." Pagsagot ko dito.

"Okay, mahaba pa ang vacant hour mo why not umpisahan mo na makipagusap?" Pagbibigay ideya nito. Oo nga nu?

"Sige po Auntie mauna na po ako at itatry ko na pong magpaalam kay Eunice." Pamamaalam kong sabi.

Lumabas na ako ng Opisina at naisipang puntahan na si Eunice para naman gumaan na ang bigat sa aking dibdib.

Habang naglalakad ay nagiisip ako ng aking mga sasabihin para hindi masaktan ng sobra ang bestfriend ko, ayoko sana umalis pero di naman nakakatulong yung environment na ginagalawan ko ngayon para makalimot at nami-miss ko na din naman sina mommy.

Before anything else, I promised mom before na susunod ako after a week nung umalis sila. Hindi ko na namalayang nakarating na pala ako sa tapat ng aming classroom.

*INHALE*
*EXALE*

Kinakabahan man ay pumasok na ako sa loob at dumeretso sa pwesto namin ni Eunice, nang makarating ay kinalabit ko sya.

"Eunice, can I talk to you?" Pagtatanong ko dito.

"Oo naman bessy, why not?" She answered then tumayo upang lumabas ng classroom, sinundan ko lamang ito hanggang sa makarating kami sa garden na lagi naming tinatambayan na matatagpuan sa rooftop.

"Talk." Seryosong saad nito.

"Eunice, next week aalis na ako." Nakatungong saad ko dito,

"Huh?" Gulat nitong tanong, "Saan naman ang punta mo? Matagal ka ba doon?" Maraming taanong na dagdag pa nito.

Fell in Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon