CHAPTER 5

22 11 0
                                    

"Ranz?" Parang boses ni kuya Ully ang tumawag kaya naman dali-dali akong bumitaw sa pagkakayap kay Ranz.

Humarap ako sa nagsalita at sana hindi ko na lamang ginawa dahil hindi lamang si kuya ang naandito kasama niya ang buong barkada nila, included the person who caused pain to me.

Akala ko okay na ako pero bakit ganito yung sakit sa dibdib ko?

"Si Yhurie bro." Saad ni Ranz at kinabig ako papalapit sa kanya.

"Akala ko si Eunice lang ang surprise? Binigla mo naman ako." Pagalit na bulong ko sa aking katabi na alam kong kami lamang ang nakakadinig.

"Sorry, hindi ko alam na naandito sila. Si Eunice la----" Pagpapaliwanag pa nito na naputol dahil sa isang tikhim.

"*ehem*" Singit ni Eunice.

Kaya naman dali-dali ako ngumiti kahit pilit sa kanila.

"Hello!" Baling ko kay kuya Ully at winave ko pa ang kamay ko. Gulat pa rin itong nakatingin sa akin

"Kailan ka pa nakabalik?" Tanong ni Kuya Biboy kaya naman nginitian ko ito at humarap muli kay kuya ully.

"Ahm... hindi ba nasabi ni Ranz?" Takang patanong na sagot ko dito,  umiling  naman ito bilang pagsagot,  "Last week lang." Nakangiti ko pang saad.

"Infairness, iba talaga kapag galing ibang bansa." Nakangiting singit ni Cav, "Laki ng improvement mo for the past 3 years, akala ko bagong babae ni Ranz." Dagdag pang sambit nito na may kasamang pagtawa.

Namula naman ang aking mukha sa kanyang tinuran.

"Bolero ka pa rin!" Pabiro kong sabi, nakakaramdam na ako ng awkward sa atmosphere namin kaya naman dali-dali ko tiningnan si Eunice at, "Ahm, excuse lang mag-powder room lang kami ni Eunice." Paalam ko sa aming kasama at nagpunta na kami ni Eunice sa Powder room.


OWY POV

I can't believe this! Akala ko for good na sya sa London. Hindi ko akalaing dito pa kami unang magkikitang muli, lahat ng memories namin bumalik. Mahal ko pa rin sya kahit na alam kong may nagbago na.

"Hey! Kanina ka pa nakatulala." Kalabit sa akin ni kuya Oliver na nakapagpabalik sa akin sa aking ulirat.

"Ahm.. sorry" Yun na lamang ang aking nasambit.

"Mahal mo pa rin?" Seryosong baling na tanong ni Ranz sa akin,

"Yes but I know naka-move-on na sya." Malumbay kong sagot dito habang tinatanaw ang pinuntahan ni Athena.

"Gago ka ih!" Naiinis na bulyaw nito pabalik kasabay ng masamang tingin.

"What's your problem bro?" Naiinis kong tanong dito.

"Stop, bago pa kayo magkapikunan." Ma-awtoridad na sambit ni Cav.

"Walang mangyayari kung magtatalo lang kayo dito." Sambit pa ni Ully.

"Owy, I think this is the right time para malaman ni Yhurie yung before for the closure." Malumanay na suggest ni Biboy.

"Don't you dare to make her cry again, Owy." Seryosong bigkas ni Ranz, "Because I will make your life hell kahit magkaibigan pa tayo." Dagdag pa nitong saad.

Binigyan tingin ko na lamang ito at dali-dali nagpunta sa kinaroroonan nila Athena.

Sa kaba ay may iilan pa akong nasagi sa paglalakad, nang marating ko na ang labas ng restroom ay ganoon na lamang ang kabog ng aking dibdib habang hinihintay silang lumabas.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fell in Playful LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon