Angelica's POV,
"Angelica!!!"
Busy ako nun sa paglalaro sa tablet ko when my mom called me. Maikli lang ang pasensiya ni Mama so better to get up now before you'd hear your name called again because surely it is, mabibingi ka lang sa mga sermon niya after. Strict si Mama...depende sa mood niya. Maybe because I'm her only daughter... at mahal niya ako.
"Coming Ma!!!" I shouted as I threw my tab to my bed and run out to my room.
Pababa na'ko sa hagdanan namin nang mahagilap ko ang isang babae, maybe in her 30's and a young boy sitting beside her in our living room.
My mom was busy in entertaining our guests kaya siguro di niya napansin ang presence ko sa pagbaba ko ng stairs.
I cleared my throat as I walked towards my mom.
Napatingin sila sakin, maging din yung batang lalaki na siguro ay ka-edaran ko din, pero binawi niya naman agad ang tingin niya sakin at tumuon na sa kaniyang tablet. The woman or maybe that boy's mom looks so happy and surprised when she saw me.
"Nak, hali ka dito..." my mom approach me to sit beside her facing our visitors."Mars, ito na ba yung inaanak ko? Ang laki na niya ha... at ang ganda pa"
lumapit sakin yung babae sabay haplos ng mukha ko."Angelica, siya si Tita mo Dianne... your ninang,"
napalingon ako kay mama at humarap ulit sa kay Tita Dianne kuno."Hi po..." its awkward kasi unang beses ko pa lang naman siyang nakikita kaya yun lang yung nasabi ko sa kaniya.
"You look so pretty Angelica... Sorry kung ngayon lang nakadalaw sayo si ninang. Baby ka pa kasi talaga nun nang mag-migrate kami abroad... Ang dami ko nang utang sayo... hayaan mo babawi si Ninang..." she winked at niyakap ako.
"Ayos lang po..." I replied awkwardly.
"Just call me Ninang Dianne..." she smiled.
"Yes Ninang...Dianne,"
Naupo siya ulit sa sofa at bumalik na'ko sa kay mama.
"And by the way Angelica..." hinarap sakin ni Ninang Dianne yung batang lalaki na nasa tabi niya na nainis pa yata dahil natigil yung paglalaro niya sa tablet niya. "She's my son, Adrian. Adrian Paulo."
Nagkatinginan kami.
Nabigla naman ako nang bigla niya na lamang hinila ang kamay ko."Hi ..." he said coldly.
Ang suplado ng aura niya.
Agad kong binawi ang kamay ko.I don't like it when I'm near to boys... or worse when they made contact to me. Kaya nga hindi ako palalabas ng bahay kahit summer na dahil ayaw kong makahalubilo sa maraming tao. Maybe it's beacause na-trauma ako nung iniwan na lang kami bigla ni papa when I'm just only 5 years old and by that time I started hating boys...
"But Angelica, you can also call him 'kuya'." Napakunot noo akong tumingin kay Ninang Dianne.
Kuya?... but he also has the same age as me right, or maybe?
"You're only 8 years old right? Then I'm two years older than you. So you should respect me as I shakes hand to you a while ago..." ang suplado ng tono ng pananalita niya. But it irritates him more nang irapan ko lang siya.
"Sorry boy... but I don't give my respect that easily. Especially to a boy like you," I raised my eyebrows at him.
"What?!"
Bago ko pa patulan tung lalaking to, inilayo na'ko ni Mama sa kaniya.
"Angelica? Wag ka namang ganyan kay Adrian..." sabay na humarap si Mama kay Ninang Dianne.
"Sorry sa inasal ng anak ko... moody kasi minsan," humagikgik lang sila pareho.
"Ma!... ba't niyo pa po ba ako tinawag?! You know that I hate men right? I hate this man!" rude man pero nasigaw ko yun kay mama.
"Angelica!!! Wag ka namang bastos sa harap ng Ninang mo. She's her son... and Adrian is a good boy"
Hindi pa din mawala ang kunot saking noo."And besides Angelica..." nakuha ni Ninang Dianne ang atensyon ko. "Isang bubong na lang ang titirhan niyo ni Adrian starting from now... until we get our new house here."
"Ma? Anooo?!!!" I reacted as a surprise on what I heard.
"Your Ninang and her husband got divorced last year and they came back here in Koronadal for good. Dito na sila titira together with her son... but for now anak, wala pa silang nakikitang bahay. So I suggested dahil close kumare ko naman itong si Ninang Dianne mo... dito na muna natin sila patitirahin. Okay lang ba yun sayo?" my mom asked pleasingly.
No. Way!
Ang supladong batang to?! In our house?!But I couldn't say those words...
Mabait si Ninang Dianne... Ba't ko naman siya idadamay sa kapilyuhan ng anak niya?
"Of course Ma..." And I fake smile.
Gumuhit ang tuwa sa mukha ni Mama. Naging anghel na naman ang anak niya.
Ninang Dianne hugged me...
"Mag ba-bonding tayo aking inaanak!!! Babawi si Ninang sa'yo. Pero sana... magkasundo na kayo nitong si Adrian, lalo't pa na ikaw pa lang yung kilala niyang pwede niyang maging kaibigan..."
Again, Adrian's stare meet mine.
"Thanks..." pilit niyang pagkasabi.
Ngumuso ako sabay siyang tinaasan ng kilay... but suddenly I gave him a smile... not a fake one.
________________
________________
A/N
Everything that was written in italic was just a flashback. At medyo mga ilang chapters din ito. Hope you like it.
Thank you for reading!
BINABASA MO ANG
Friendship Over (ON HOLD)
Teen FictionAng magkaroon ng kaibigang handang sumalo sa lahat ng kapalpakan at pasakit mo sa buhay ay siyang patunay na napakaswerte mong nilalang. Simula pa lang, siya na ang naging takbuhan mo. Nasanay ka na lagi siyang nandiyan para sa'yo. Yung 'di mo na m...