Page 6

85 0 0
                                    


Its Tuesday and we're now back to school. Two days had passed since I thought that I fought with Adrian at that time... and he's been ignoring me since then.

Hindi ako sanay.

No.Hindi na ako sanay.
Walang Adrian na kumakausap sakin, wala na akong kinukulit.

I tried to say sorry to him pero sabi niya wala naman dapat akong ihingi ng sorry sa kaniya. But what the hell?! Hindi niya ako kinakausap. Hindi niya ako pinapansin?! Yun ba yun?

Alam kong nawalan nga ko ng time sa kanya the past week dahil gusto kong tapusin na yung friendship bracelet namin.

Isa pa, siya yung unang nawalan ng time sakin dahil sa mga competition niya sa school. Hindi na nga niya ko nasasabayang mag-lunch or even recess. Naghanap lang naman ako ng pagkakaabalahan ---- ang paggawa ng friendship bracelet namin.

Hindi ko naman siya ginulo sa mga ginagawa niya. Pero ba't ganun na lang siya sakin? If he's not being childish, eh ano?

Kung gusto niya akong makalaro or maka-bond, he just have told me. Sana hindi na niya ako pinikon.

Aaaahhh! Kasalanan ko pa din eh!

"Bye Ma," I heard his cold voice. And without hearing his mom reply, he suddenly get out from the car and locked the front seat door.

Natauhan naman ako ng makitang naglakad na siya papasok ng gate kaya inan-lock ko na din ang seatbelt ko.

"Ahmmm...Ninang pasok na po ako,"

Pero bago pa ko makalabas ng sasakyan, kinausap muna ako ni Ninang.

"Did you and Adrian fight again? Since Saturday ko pa kasi napapansin that you've been ignoring each other's presence..."

"Sorry Ninang, medyo nagkatampuhan lang po,"

Napasinghay lang si Ninang.

"Alam kong maaayos niyo din yan... its just a child's quarrel. I knew that my son treasured you now Angelica... hindi ka matitiis nun. And you're his bestfriend." Nginitian ako ni Ninang sabay pat ng ulo ko.

Nagpaalam na'ko sa kaniya at bumaba na ng sasakyan. I know na hindi ko na maaabutan si Adrian pagkababa ko.

Gusto kong magkabati na kami.

Mukha kasing ako yung hindi makakatiis kay Adrian eh.

Wala akong mood pagpasok ko pa lang ng classroom kanina. At wala din akong ganang mag-lunch ngayon.

"Angelica, kung ayaw mong kumain akin na lang tung donut mo ha?"

Wala sa sarili na lang akong napatango kay Jessa. Then narinig ko na lang ang hagikhik niya.

"Ang baboy mo talaga Jessa!" Hanna teased her.

Friendship Over (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon