Kinaumagahan, maaga akong nagising at tumulong kay Mama sa paghahanda ng breakfast namin."How's your sleep?"
"Better..." I answered as I poured the milk on the two glasses.
Kumuha na din ako ng apat na plate at nilapag sa dining table.
"Good morning inaanak!"
Napatingin naman ako kay Ninang Dianne na kakalabas lang sa kwarto niya. Pababa siya ng hagdan habang tinatali ang buhok niya.
"Good morning too Ninang" bati ko sa kanya at napangiti.
Lumapit siya sakin at inayos ang buhok ko. Then tumulong na rin siya kay Mama sa pagkuha ng kanin.
"Ninang, gising na po ba si Adrian?"
Pareho naman silang napalingon sakin ni Mama with their confused faces.
"Aahh___ tulog mantika yun eh. Hayaan mo na," sagot lang naman sakin ni Ninang.
I nodded.
After, naupo na kaming tatlo at nagsimula na sa aming almusal.
Maraming naging chika sina Mama at Ninang.
Napatingin ako sa wall clock ng sala namin. Sobrang late na pero di pa din nagigising si Adrian.
"Ma, I'm done."
Nakuha ko ang atensiyon nilang dalawa. Nagtaka pa nga sila dahil ang bilis kong natapos.
I moved my chair at tumayo na.
"You sure you're full?"
Tumango lang ako bilang sagot kay Ninang.
Naglakad na ako paakyat ng stairs pero nilingon ko uli si Ninang.
"Nang! Gisingin ko lang po si Adrian ha?"
Kumunot yung noo ni Ninang pero ngumiti din naman.
"Oh sure!"
Agad kong tinungo ang kwarto nila. Kaharap lang naman nito ang kwarto ni Mama.
Half open yung door kaya agad na'kong pumasok.
Bumungad naman sakin ang mahimbing na natutulog na si Adrian.
Napatawa ako sa naging posisyon niya. Magalaw siguro tong matulog? Kawawa naman si Ninang.
Lumapit ako sa kama niya.
"Adrian..."
Tulog pa din siya.
Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdan ang natutulog na siya.
"Heh! Para ka naman palang anghel kung nakapikit eh! Ba't kaya kung gising ka parang nagkakasungay ka?" napatawa naman ako.
BINABASA MO ANG
Friendship Over (ON HOLD)
Подростковая литератураAng magkaroon ng kaibigang handang sumalo sa lahat ng kapalpakan at pasakit mo sa buhay ay siyang patunay na napakaswerte mong nilalang. Simula pa lang, siya na ang naging takbuhan mo. Nasanay ka na lagi siyang nandiyan para sa'yo. Yung 'di mo na m...