At first... hindi talaga kami magkasundo ni Adrian.
Hindi ko siya pinahahawak ng mga gamit namin sa bahay. The t.v's remote, my mom's belongings, the books in our bookshelves, the vases, frames, and even our kitchen's untensils... ganun ako kasama sa kaniya. Pero syempre, sa tuwing wala lang si Mama at Ninang Dianne. Malas lang niya dahil madalas merong lakad sina mama at Ninang.Hindi ko alam kung nagsusumbong ba siya sa Mama niya. Pero hindi naman ako napagsasabihan ni Ninang Dianne. So maybe wala...
It's been a month since they lived with us. Lagi nga akong merong pasalubong kay Ninang Dianne everytime she went out. Ang bait niya... she treated me like her own daughter. Hindi siya strict unlike my mom... kaya spoiled ako sa kaniya.
Ewan ko lang sa anak niya.
Walang araw na hindi kami nag-aaway. We're like dogs and cats. Syempre, we both hated each other.Tulad na lang nung time na nag-away kami sa channel na panonoorin namin. Sa sobrang inis ko... nahampas ko siya ng remote. Ang lakas nun, I swear. But he didn't cried. Pero kung hindi lang kami nun naawat ni Mama, nasuntok na niya siguro ako. Hindi siya lumabas ng kwarto niya nun buong araw. Nakonsensiya nga ako nun but still hindi ako nag-sorry sa kaniya kahit pinipilit na'ko nina mama.
May time din na nakagat ko siya sa tenga niya...sobrang pula nun. Hinagis niya ba naman yung favorite frozen slippers ko sa roof namin?! Kaya yun, I bite his ear! Namaga nga yun. And because of that, napagalitan na'ko nina Mama and even Ninang Dianne. Grounded ako ng three days nun. Without gadgets, no malling, and no t.v.
There was also the time na ni-locked niya ako sa bathroom! Iyak ng iyak ako nun... tapos by dinner na nung naka-uwi sina Mama. I was locked in the bathroom for almost 4 hours! Syempre, napagalitan siya. Napalo nga yata siya nun ng Mama niya.
Ganun kalala ang inis namin sa isa't isa. Syempre, what do you expect to an eight-year-old-girl and a ten-year-old-boy na parehong inis sa isa't isa na silang dalawa lang ang naiwan sa isang bubong?...Ewan ko nga kung ba't ganun na lang yung nararamdaman ko sa kaniya.
Just like now. Kaming dalawa na naman ang naiwan sa bahay. May work si Mama and may inasekaso rin si Ninang Dianne about their new house.
Tahimik lang kami. Me, here sitting in the living room watching cartoons, and him, in the dining table, just sitting while playing in his tab.
Hindi din naman kasi kalayuan yung kitchen namin sa sala kaya kita ko ang ginagawa niya.
I checked at my wrist watch and its already 7 in the evening. I looked outside.
Ba't ang tagal naman yata ni Ninang?
Expected ko na kasi na mga 9 pa matatapos sa office si mama.
I changed the channel kasi patalastas pa yung nasa Cartoon Network...
"Aaaahhhh!!! Shocks!"
napatayo ako nun dahil nagulat ako ng malipat ko yung channel accidentally sa horror na part... I saw the blooded man and monsters. Agad kong binalik yung channel sa cartoon network. Napabuntong hininga lang ako. Natakot talaga ako nun..."Adrian!" I shouted without a manner.
"What now?!" he got pissed.
"Wag ka nga diyan sa dining table maglaro ng tablet mo! Alam mo namang kainan yan diyan eh! Dito ka sa sala!" sabay kong tinuro yung tabing upuan ko.
Nagulat siya sa sinabi ko at napakunot lang ang noo niyang tumingin sakin.
"What?! Are you deaf?! Come here!!!" inis kong sigaw ulit sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Friendship Over (ON HOLD)
Teen FictionAng magkaroon ng kaibigang handang sumalo sa lahat ng kapalpakan at pasakit mo sa buhay ay siyang patunay na napakaswerte mong nilalang. Simula pa lang, siya na ang naging takbuhan mo. Nasanay ka na lagi siyang nandiyan para sa'yo. Yung 'di mo na m...