Page 7

92 2 5
                                    

Tinatago ko na lang itong ngiti ko dito sa tatlo kong mga kaibigan.

Napapansin ko kasi ang pagiging tahimik at mahinhin nila sa pagkain namin ng lunch.

"So how's Angelica in your class?"

Nagkatinginan lang silang tatlo sa naging tanong ni Adrian. Kita ko ang pamumula ng mga pisngi nila.

Mitch, Hanna and Jessa.
Halata namang crush nila ang bestfriend ko.

"Ah... okay naman siya Kuya_" Jessa sends an awkward smile.

Hindi naman kasi ini-expect ng mga kaibigan ko na sasabay pala sa amin si Adrian sa pag-lunch.
Sabi niya na-miss niya lang raw akong makasabay kumain.

Medyo awkward nung una at kami lang ni Adrian yung nag-uusap. Pero napapa-joke rin minsan si Mitch kaya napapatawa na lang kami. Hanggang sa naging kumportable na sila sa presence ni Adrian sa aming mesa.

Napahaba nga ang kwentuhan namin habang kumakain.

Natigil lang kami nang may lumapit saming pamilyar na lalaki at babae.

"Paulo, tawag na tayo ni Sir," sabi nung lalaki na namumukhaan ko na kaklase ni Adrian.

"Ah... sige."  Napatingin lang samin si Adrian tsaka tumayo.

"Hi Angelica!" tuwang tuwa  niya akong binati. Mukha talaga siyang anghel.

"Hi din Ate Vanny..." naiilang ko pang sagot sa kaniya at ngumiti din.

"Ano...Sige alis na kami. Bye Gelai!" ginulo muna ni Adrian ang buhok ko bago sumabay sa mga kasama niya. Sila yung pambato ng school  sa team quiz Grade 4 level sa Science this coming Friday, Division level. At yun, umalis sila dahil may review pa sila.

Nag-wave naman sakin si Ate Vanny bago din umalis.

"Gelai?...Ikaw ba yun Angelica?"

Sabay nilang napatanong nang makaalis na sina Adrian.

Kasama rin sa mga mukha nila ang isang lokong ngisi na nanunukso dahil sa biglaang pagtawag sakin ng ganun ni Adrian.

°

°

°

°

°

Nagpaalam na sakin sina Hanna at nauna ng lumabas ng classroom dahil nandiyan na raw ang mga sundo nila.

Binitbit ko na rin ang back pack ko at lumabas na rin ng classroom. Tama naman na nakita ko din si Adrian na kakalabas lang ng classroom nila.

"Addi!!!" napasigaw lang naman ako.

Pero mukhang di niya yata ako narinig dahil bigla na lang siyang napatakbo sa babaeng nadapa di kalayuan sa classroom namin.

Friendship Over (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon