Lintik Na Puso

83 1 0
                                        

Kingina gusto parin kita
Nakakainis bat di ka mawala-wala?
Lagi ka nalang nasa isip ko
Kahit marami nang sagabal sayo parin patungo.

Sana tawa mo'y marinig ko muli
Kahit paulit-ulit pa hindi ako maririndi
Alam kong wala ka nang pake
Naiilang ka na nga pag tayo'y mgkatabe.

Sinasabi nila may pag-asa daw
Hindi ko naman makita sa iyong mga galaw
Bagay daw tayo para sa isat-isa
Eh hindi mo nga ko matignan ng mabuti sa mata.

Sana pagtapos nang pasukan
Ilalagay narin kita sa aking nakaraan
Iisipin kong di na kita makikita ulit
At di ko na tatanungin sarili ko ng "bakit?"

Para Sakanya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon