Akala ko mata ko lang malabo
Yun pala pati rin ang maging tayo
Kaya ayoko umasa una palang
Kasi alam ko tingin mo sakin kaibigan lang.Walang kahulugan mga tawanan at asaran satin
Dahil ito'y pampalipas oras lang natin
Magkaibigan tayo mula simula hanggang huli
Dahil alam ko iba ang iyong napili.Di na ako aasang magkakagusto ka pa
Dahil sa una palang hindi tayo itinadhana
Pero masaya akong nakilala ang isang tulad mo
Isang lalaking masayahin pero maloko.Malinaw na saakin na walang tayo
Dahil alam ko ang meron lang ay kayo
Alam kong hinding hindi mo ko magugustuhan
Dahil ako'y iyong matalik lang na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Para Sakanya
PoetryEnglish and Tagalog poems na originally made by me para sa mga taong BH tulad ko hahaha