Dami nang taong naloko nyan.
Umaasa silang may pag-asa pa,
Kumakapit sila sa salitang yan,
Dahil baka may magbabago pa sa kanila.Madami silang iniisip,
Baka raw maligtas pa ang pag-ibig.
Yun pala sila'y nananaginip,
Iba ang mga salitang lumabas sa kanilang bibig.Nawala na lahat ng pag-asa.
Nagbago ang lahat kinabukasan.
Nagluksa sila at umasa.
Ayan tuloy nasaktan sila ng lubusan.Paulit-ulit nyang sinabi ang salitang "BAKA SAKALI"
Iniisip niya ang mga kasalanang kanyang nagawa
Hindi sya makapaniwala sa mga nangyayari
Sa huli wala na syang nagawa kundi ang lumuha.

BINABASA MO ANG
Para Sakanya
PoetryEnglish and Tagalog poems na originally made by me para sa mga taong BH tulad ko hahaha