Alam kong hindi kita pagmamayari
At hindi rin tayo para sa isat-isa.
Kaya wala kong karapatan magsisi
Hindi rin dapat ako sayo umaasa."Magkaibigan lang naman tayo diba?"
Yan agad sinabi mo nung ako'y umamin.
Nadurog puso ko at lumuha aking mata
At ako'y kaibigan lamang sa iyong paningin.Sana ito'y kinimkim ko nalang sayo
Hindi sana ko nasaktan at nabigo
"Mahirap umasa sayo alam mo ba?"
Yan na lamang nasabi ko nung ako'y nasaktan at umalis na.Gusto ko bawiin mga sinabi ko
Para bang wala tayong pinagusapan.
Sana pala tinago ko nalang sayo
Hindi na sana magbabago ating pagkakaibigan.

BINABASA MO ANG
Para Sakanya
PoetryEnglish and Tagalog poems na originally made by me para sa mga taong BH tulad ko hahaha