Kwento Natin

109 2 0
                                    

Kung aamin ba ko sayo
Pareho rin ba isasagot mo?
Magugustuhan mo rin ba ako
O iiwasan mo na ako at lalayo?..

Lagi nalang tayo ngtatawanan
Hindi natin mapigil ating kasiyahan
Naisip ko "may pag-ibig kayang maaasahan?"
Kaso naisip ko tayo'y may hangganan.

Isang taon na ang lumipas
Pag-ibig ko sayo'y di parin kumukupas
Saan kaya patungo ang ating landas?
Sana naman magbago na ito bukas.

Hanggang ngayon ikaw parin ang iniibig
At lagi nalang kita bukambibig.
Pero ang tanong ko sana'y iyong marinig
Meron kaya tayong mabubuong pag-ibig?

Para Sakanya Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon