Guitara

964 12 0
                                    

Guitara ang pinagmulan
Ng ating storya sa unang
Pagpitik mo ng guitara
At pagtingin sa akin

Pagtingin sa aking mga
Mata . Mga matang mong
Parang mga bituin mga
Matang iba sa lahat.

At sa unang pagtugtog mo
Sa iyong guitara biglang
Nagbighani ang puso ko na
Akala ko noo'y bakal na

Mga salita ko na akala mo
Kasing pait na ng ampalaya
Pero biglang nagkaroon ng
Tamis nung nakilala kita.

Akala ko nun paghanga lang
Ang nararamdaman ko ,akala
Ko nun hindi ito magiging
Seryoso ,akala ko lang pala yun

Dahil dumating ang araw
Ang puso na bakal at ang
Inakala kong manhid na
Biglang nagkaroon ng buhay

Puso kong biglang tumibok
Muli. kasabay ng pagtunog
ng guitara mo ay ang
Pagtibok ulit ng puso ko

Mga Hugot TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon