Pagod na ako

1.4K 16 3
                                    

pagod na ako salitang noon
Ayaw kong bitawan
Pagod na ako salitang hindi ko
Naisip noon
Pagod na ako salitang masakit
Pag binitawan

Kailan ko kaya maririnig sayo
Yung salitang kapit pa?
Kapit pa sa pag asang baka
Mahalin mo din ako
Kapit pa baka sakaling
Magbago itong tibok ng puso ko

Iiwanan na kita sa lugar kung saan
Tayo unang nagkita
Sa lugar kong saan inamin ko
Ang aking nadarama
Sa lugar kong saan sinabi mong
Kaibigan lang pala

Sa ngaun alaala ng masasakit na araw
Ang iniintindi ko kung paano sila kalimutan
Kung paano makakapagsimula ulit

Kung paano mabubuo yung winasak
Mong puso ,kung paano na ikaw na mundo ko ay kakayanin ko ng balewalain .

Sana balang araw makakaya ko na
Makakaya ko na tumingin sa mga
Matang iyan ng wala ng nadarama
Balang araw na hindi na kita kilala
Na hindi na ikaw magbubuo ng
Mundo ko na hindi na ikaw ang
Dahilan ng pag ngiti ko kasi
PAGOD NA AKO

Mga Hugot TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon