pagsuko

16 0 0
                                    

Sumuko ako dahil sa hindi
Pagtingin,dahil sa hindi mo
Pagpansin,sumuko ako sapagkat
Wala ng makitang liwanag

Liwanag na nagsisilbing pag asa.
Sumuko ako, sapagkat meron ng iba
Meron ng nagpapasaya, sa puso mong
Kaytagal ko ng inaasam ngunit iba

Na pala ang mahal. Sumuko ako sa pagbabakasaling ikay mapangiti,
Gamit ang mga ideya umiikot sa aking isip.Sumuko akong mag antay

Sa taong iba ang hinihintay.Sumuko
Ako sa pagnanakaw ng tingin,dahil sa iba nakabaling ang iyong pagtingin,
Ngunit palagi mong tatandaan

Hindi mo man pansin,hindi mo man batid,hindi mo man nakikita.Sanay pag napagtanto mo na,malaman mong

Sumuko ako Hindi dahil,
Hindi na kita mahal
Sumuko ako sapagkat
Alam Kong wala na akong
Laban..



Mga Hugot TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon