Balang araw

1.6K 16 1
                                    

balang araw ikaw naman
Ikaw naman ang mahihirapan
Mag isip kung anong nagawa mo
Bakit ganto bakit nagkaganyan

Balang araw ikaw naman ung iiyak
Ng dahil sakin , balang araw ikaw
Naman ung hindi mapapakali
Pag di kita kinausap

Balang araw ikaw naman yung
Magnanakaw ng tingin para
Masulyapan lang ako

Balang araw ikaw naman yung
Mapupudpod ung daliri
Kakatype ng messages ng hindi
Mo naman naseseen

Balng araw ikaw naman yung
Magsusulat ng mga liham
Balang araw ikaw naman yung
Mag eeffort para mapasaya ako

Balang araw ikaw naman
Ung masasaktan pag may
Kasama akong iba
Balang araw ikaw naman ung mag
Mamakaawa na mag stay lang
Ako sa tabi mo

Balang araw babaliktad ang mundo
Ikaw naman ang magmamahal sakin.
At ako naman ang walang pakielam
Sayo..

Mga Hugot TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon