Chapter One

292 8 0
                                    

BESTFRIEND

Shar's POV

"Waaaahhhhhhh!!!!"

"Ano ba yan ang ingay ingay mo naman shar, akala mo eh may sunog. Kita mong natutulog yung tao"  inis na sabi ng aking childhood bestfriend na si Nash.

"Ha? asan ung tao dito? ang pagkakaalam ko, ako lang tao sa kwartong to.. Hahahaha!!" pangaasar ko sa kanya.

Andito kasi si Nash ngayon sa bahay namin. DomoDORA lng ang peg. Napakagala. Nakikitulog rin. Galing noh. Feel at home. Sanay na kasi. Pano ba naman mag bestfriend ang mga nanay namin. Kaya siguro naging magbestfriend din kami.

"..."

"Hahahaha, Haha-- Blaaag!" napatigil ako bigla sa kakatawa dahil may malambot na bagay akong nararamdaman na tumama sa aking mukha.

"Aray naman Nash bak--Blaaag!!"

" Yan ang bagay sa'yo shar, inistorbo mo na nga ako, nangasar ka pa.

"Nakakarami ka n--Blaaag!!"

" Eto pa " sabay kuha ng unan sa kama. Siya kasi ang nasa kama kaya marami siyang nakukuhang unan. Ako naman nasa may study table kaya wala, wala akong makuha.

"Bleeh Bleeh Bleeh.. Akala mo matatamaan mo ulit ako ng unan ha.. Humanda ka.. Ako naman!!"

"Etong sa'yo!!" inihagis ko with full force ang unan sa kanya, kaso--

"Aruuuyyyy!! Ang duling ni shar shar!! Ang duling ni sh--Blaaag!!!"

"Hahahaha!!!, sinong duling ngayon? Ha?? Sapul na sapul nga sa mukha mo eh. Hahahaha!!! Hahahaha!!!" buti nga sa kanya tawa kasi ng tawa ayan hindi niya napansin na kumukuha ako ng unan.

Hindi ko inaasahan ang nangyari. Hindi ko sinasadya. Lumapit ako sa kanya. Nakita kong dumudugo ang mukha ni Nash. Dahil sa napalakas ang pagkakahagis ko ng unan.

Sinubukan kong tawagin siya pero, hindi siya sumasagot. Hinipo ko siya at nararamdaman kong hindi na siya humihinga. Umiyak ako ng umiyak dahil sa nangyari. Hindi ko kayang mawala ang aking bestfriend.

Hindi ko pa nasasabi ang tunay kong nararamdaman para sa kanya. Na...

Mahal ko siya..

At syempre

Joke lang yon. Imagination ko lang.

Hahahaha...

Ang totoo niyan buhay na buhay pa siyang nakatingin ng masama sa akin. Tiningnan ko lang siya at tumawa.

"Hahahaha!!!!" tawa pa rin ako ng tawa ng makita kong nag form siya ng evil smile.

"Tapos ka na bang tumawa shar?" tanong niya sa akin.

"Hindi pa eh. Hahahaha!!!"

"..."

"Hahahaha!!! Natahimik ka?... Hahahaha!!!... Uy! Teka anong ginagawa mo?! Uy! Ibaba mo na ako Nash!!!." nagulat ako nang bigla akong binuhat ni Nash papuntang kama. Nakatayo kasi ako kanina habang tumatawa.

Pinapalo ko siya sa likod habang buhat buhat ako na parang sako.

"Ang taba mo naman shar magdiet ka nga. Ang bigat bigat mo." sabay baba sa akin sa higaan.

"Sino bang maysabi na bu--ahh!!! anu ba!!--hahahaha!!! nakikiliti a--hahahaha!!! tama n--hahahaha!!!ayo--hahahaha" paputol putol kong saad. Kinikiliti pa rin ako ni Nash. Nakakainis!!! Bwiset!!

"Hahahaha, Bwahahahahaha!!! Akala mo ha!!! Nasa akin pa rin ang huling halakhak!!!"

"Nakakainis ka Nash!! Isusumbong kita kay mama!!"

"So? Napakasumbungera mo talaga. Ikaw naman nagsimula."

Haaayy.. wala namang ibang nangyari kiniliti niya lang ako ng kiniliti hanggang napagod siya. Ang pikon talaga. Pero kahit ganun un. Mahal ko yun..  Oí alam kong iniisip niyo. Mahal ko siya, bilang bestfriend siyempre. Simula ata ng ipinanganak ako dito sa mundong ibabaw siya na ang kasama ko. Sabay pa kaming ipinanganak. Sabi nga ng Lola ko "magkatutubo" daw kami. Magkapitbahay pa plus isama mo pa ang pagiging magbestfriend ng mga nanay namin.

I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND [NASHLENE] ONGOING NA ULIT. :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon