Shar's POV
-_- Nakakabadvibes .
The nerve. Bahala siya sa buhay niya.
Andito ako ngayon naglalakad. MAG-ISA pauwi.
Naiinis kasi ako kay Nash. Hindi ako sumabay sa kanya. Tumakbo na ako agad palabas ng room nung pagka bell.
Bakit kailangang ganun. Pinansin niya pa yung papansin na yun. Epal lang. Halata namang may gusto sa kanya tapos eentertainin niya pa.
Tss. Bakit ba ako nagkakaganito. Ano bang kinagagalit ko?
Psh.
" Psst! "
Psst daw? Sino kaya tinatawag nun.
" Pssssssst." Napakabingi naman nung tinatawag nun. Tsk. Tsk. Tsk.
" Pssssssst!!! " Lumingon ako sa kaliwa at kanan. Wala namang tao. Ako lang naman ang naglalakad. Imposible naman na ako yun kasi hindi naman " PST " Ang pangalan ko.
" Uy!!! " Tawag niya ulit. Di ko nililingon. Malay niyo di ako yun. Baka sabihin pa nun. ASSUMING ako.
" Shaaaaaaarlene! " Ay! Ako pala.
Lumingon ako saglit at tiningnan kung sino yun. Si Jairus pala yung tumatawag sa akin. Tumigil ako saglit at hinintay siya, hingal na hingal siyang lumapit sa,akin.
" Oh, Jairus napasugod ka. Este, napatakbo ka? Hehehe." Tanong ko sa kanya.
" Ah eh, Naiwan mo kasi yung notebook mo dun sa room. Eto oh." Sagot niya pagkatapos maka get over sa pagtakbo.
" Ay, salamat Jairus. May assignment pa naman tayo dito. Pero sana bukas mo na lang binigay tapos ikaw na lang nagsagot sa inyo."
" Ha?" Takang tanong niya.
" Hehehe, joke lang. Thanks talaga."
" Hahahaha. Palabiro ka pala." Naglalakad na kami ngayon at magkasabay na kami. Nagtataka nga ako eh. Wala si Mika. Matanong nga.
" Uy Jairus, matanong ko lang. Bat Di mo kasama yung girlfriend mo? Asan siya?"
" Ha? Wala akong girlfriend ah asdfghj nga kita."
Ano daw?
Di ko masyado naintindihan sinabi niya. May dumaan kasing tricycle.
" Ha? Ano? Di ko narinig eh. Pwede pakiulit? Hehehe."
Napakamot na lang siya sa ulo. At sinabing: " Ah, wala yun. Wag mo na lang pansinin."
" Ah, sige. Sabi mo eh." Yun na lang ang nasabi ko.
" Tska, hindi ko girlfriend si Mika noh. Bestfriend ko lang yun." Bigla naman niyang sabi.
" Ah, hehehe. Parang kasi. Lagi kayong magkasama tapos close na close pa kayo."
" Eh bakit kayo ni Nash?"
" An--- " Di ko na natuloy sasabihin ko kasi bigla na lang siyang nagsalita.
" Hehehe, kalimutan mo na lang yun." Weird. Ang weird naman nitong si Jairus. Pero infairness cute niya.
" Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" Pagiiba niya ng usapan.
" Ah, salamat. Pero magkaiba ata tayo ng daan eh. Sa Southern Village ako. Ikaw saan ka ba?"
" Ah. Magkaiba nga. Sa Eastern Village ako eh. Pero ok lang. Hatid na kita." Pagpupumilit naman niya.
BINABASA MO ANG
I'M INLOVE WITH MY BESTFRIEND [NASHLENE] ONGOING NA ULIT. :)
FanfictionThis story does not have a description.