* Fantasia Magic 4 *

42 0 0
                                    

Nandito kami ngayon ni Emma at Laylee sa Garden.. Alam niyo ba, muntik na akong maubusan ng almusal kanina. Buti nga't meron pang natira.

Kanina pa kami paikot-ikot rito sa Academy, pero mukhang napakalaki nito para mapasyal ko ang kabuuan nito.

"Hindi ba kayo napapagod? Kanina pa tayo lakad ng lakad." Sabi ko sa kanila habang hinahawakan ang tuhod kong namamanhid at ang paa kong sobrang sakit. "Hindi kaya ako napapagod!" Sagot agad ni Emma. "Eh wala ka naman talagang kapaguran." Sabat naman ni Laylee. Sa sinabing iyon ni Laylee napanguso si Emma na halos pwede ng sabitan ng kaldero.

Nagpatuloy nalang kami sa pagiikot.. Para na nga silang tour guide sakin, si Emma at Laylee. Sinasabi naman nila sakin ang nadadaan namin para daw hindi ako maligaw kung sakaling ako lang mag-isa ang maglalakad-lakad sa Academy. Pero napaka-imposibleng mangyari iyon dahil ang magkakaibigan hindi nagiiwanan..

Inabot kami ng hapon sa pagiikot ng Academy. Napakalaki pala, nagsimula kami ng alas-diyes tapos natapos kami ng alas-singko. Grabehan naman!

Nandito kami ngayon sa canteen para magmiryenda, pero kung tutuusin parang hapunan na namin ito sa tagal naming pagiikot. (Nakailan ba ako ng word na IKOT?)

Pagkatapos namin kumain dumiretso na kami ng dorm.. Pagpasok namin, dumiretso na ang dalawa sa kwarto nila habang ako'y naiwang nakatuod sa kinatatayuan ko. Nang makaramdam ako ng antok ay dumiretso na rin ako sa aking kwarto.

Hay! Kapagod! =__= zZzZzZzZ

-**-**-

Umaga na naman! Nagising ako sa sikat ng araw na dumapo sa aking magandang mukha. Charooot! Tinignan ko ang orasan at five palang ng umaga. May pasok pala ngayon.

Agad akong tumayo at dumiretso sa CR para maligo, napakatagal ko pa namang maligo. Tumagal ako ng mahigit isang oras sa CR

Napa-aga ako ng gising kasi naman excited ako.

Pagkatapos kong maligo, dali-dali akong lumabas ng kwarto at pumunta na sa kusina para magluto ng almusal namin ng Besties ko.

Nagluto na ako ng fried rice, egg, and bacon. Naglagay na rin ako ng plato, kutsara't tinidor pati baso. Naglabas na rin ako ng skimmed milk galing sa ref.

Hinintay ko silang magising. Nanood muna ako.

Inabot ako ng isang oras kakahintay, yun pala gising na sila at kumakain na. Narinig ko kasi yung kutsara't tinidor na tumunog. Aba! Hindi man lang ako tinawag. Waah! Ang bad nila!

"Hoy! Bakit di niyo ako tinawag?! Hinintay ko kayo ng halos isang oras, nagluto ako para sa inyo tapos gaganyanin niyo ako?! Di niyo ako tatawagin para mag-almusal?! Ang BAD niyo! Ang aga-aga kong nagising para jan!" Sigaw ko sa kanila pagkarating ko sa dining table.

Nanlaki ang mata nila ng marinig nila ang sinabi ko. "N-niluto mo i-ito?" Sambit ni Emma. "N-niluto? A-akala ko, i-inorder mo." Singit agad ni Laylee.

"Akala mo lang 'yon Laylee! Ang saya-saya ko kanina pero sinira niyo yun!" Pagkasabi ko nun ay pumunta ako sa kwarto, ni-lock ko ang pinto para di sila makapasok.

"Sorry na Scarlet! Di naman kasi namin alam." Sigaw ni Emma.

"Scarlet, tara na! Kumain ka na. Wag kang papalipas ng gutom, masama yun. Sige na! Sorry na! Di naman namin sinasadya eh. Please! Scarlet." Narinig ko wika ni Laylee. Nasa may pintuan na sila.

Kasalanan naman kasi nila eh, kung hindi nila ginawa yun siguro di ako magagalit sa kanila.

Binuksan ko na ang pinto. Di ko rin kasi sila matiis eh. Kasi sila yung una kong naging kaibigan, saka mas close na kami ngayon.

Fantasia Academia: The Long Lost Legendary PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon