[Sapphire's POV]
"May napapansin kayo kay Scarlet?" I ask them. Parang may hinahanap eh.
"Oo, meron. Parang may hinahanap na kung ano o sino." Sagot ni Elena.
"Tinanong ko na nga kung anong hinahanap niya, pero sabi niya, tinitingnan niya lang ang kabuuan nito." Sagot din ni Emma. Saka sumulyap kay Scarlet.
"Tanungin mo kaya ulit, Emma? Baka sakaling masabi. Mahuli natin sa bibig." Sabi ko. Eh malay mo lang naman,diba?"Uhm, si-sige, payag ako. Pero pa'no kung hindi rin siya aamin?" Ani Emma
"Bahala na. Basta mahuhuli natin yan! Tiwala lang. Ganito yan. Lalapit si Emma kay Scarlet tapos lalapit din tayo..." Sabi ko saka sila naman ay tumango. "Makikinig tayo para pag nasabi niya yung totoo. Alam na!" Dagdag ko.
"Sige! / Game!" Sabay-sabay nilang sambit.
"Sige na Emma, You can start." Sabi ko saka ngumisi.
Lumapit na si Emma sa tabi at sumunod kaming lima. "Scarlet, sinong hinahanap mo? I mean ano?" Tanong ni Emma. Bigla namang namula ang magkabilang pisngi ni Scarlet. I knew it! Si Avery!
"Err, w-wala akong hinahanap. Tinitingnan ko lang itong Room na ito." Sabi ni Scarlet saka napangiwi.
"Wala ba talaga?" Sabay naming sabi.
"Oo na! Hinahanap ko yung lalaki kanina, yung red hair." Amin niya saka ngumuso.
"Ayie! Scarlet! Yie!" Asar namin sakanya. "Tumigil nga kayo!" Saway nito samin.
"Anong itong naririnig ko? Hmm?" Avery said with his signatured cold voice and masungit personality. "A-ah, wa-wala! Wala." Sabay naming sabi.
"Guys! Pakilala na kayo, tutal kumpleto na tayo." Singit ni Laylee sa nangyayaring awkwardness sa pagitan namin.
"Ako na mauna. Uhm, Hi Scarlet! I'm Leira May Windy, princess of Air. From Viento Kingdom"
"Uhm, I'm Elena Jean Watvy, princess of Water. From Agua Kingdom"
"Hi, Sapphire Terra Cruz, prince of Earth. From Tierra Kingdom"
"Avery Flame Soriano, Fuego Kingdom"
BINABASA MO ANG
Fantasia Academia: The Long Lost Legendary Princess
FantasyIsang babaeng hindi inakalang may mahikang taglay Natuklasan ng dahil sa Academia'ng kanyang pinasukan, dahil sa nalaman niya sa kinilala niya na ina't ama. ** Dating binabasa niya sa libro na malabong mangyari sakanya ngunit ngayo'y nakikita ng ka...