Chapter 4: Ginintuang Orasan

614 31 13
                                    

"... Somewhere long ago... "

Gusto kong hanapin mo ang ginintuang orasan na hawak niya sa pagpunta niya dito sa mundo ng mga tao. Ito ay iyong kunin at basagin.

Yan ang mga katagang nakatatak sa isipan ni Felicity sa ngayon habang hinahalughog niya ang kuwarto ni Amethyst. Itinago na niya ang kasuotan na gamit ni Amethyst ng una siyang dumating sa mundo ng mga tao ngunit hindi niya pinansin ang kwintas na suot nito sa pag aakalang hindi importante ang bagay na iyon. Ngayon ay nahihirapan siyang hanapin kung saan na ito napadpad. Binuksan na niya ang mga aparador at tumingin sa  ilalim ng kama ngunit wala pa rin siyang makitang kwintas na may ginuntuang orasan.

"Felicity?" nagtatakang tanong ni Amethyst mula sa pagkakatayo niya sa may pintuan. Nahihiwagaan siya sa ginagawa ng pinsan. "Bakit nandito ka sa kuwarto ko? At bakit mo hinahalughog ito?"

"Amy! Nakauwi ka na pala." Inayos ni Felicity ang kanyang sarili mula sa pagkakaluhod at pagsilip sa ilalim ng kama ni Amethyst. "Nag aayos lamang ako ng mga gamit mo. Ang gulo na kasi."

Nakakunot ang noo na tumingin si Amethyst sa paligid. "Hindi naman ito ganito nang iwan ko kanina, parang ikaw pa nga ang nag gulo sa kuwarto ko, Felicity."

Kinabahan si Felicity, hindi niya alam kung paano lulusot sa sitwasyong ito. Mabuti na lamang at tumunog ang cellphone ni Amethyst dahilan para maagaw ang atensiyon ng dalaga. Tiningnan ni Amethyst ang pinsang nagmamadaling lumabas ng kuwarto bago sinagot ang tawag ng hindi naka rehistrong numero sa cellphone niya.

"Hello?" pagbati niya sa tumawag. Mga ilang segundo ang lumipas bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Agent Storm, nakauwi ka na ba ng maayos?" napangiti si Amethyst sa boses na narinig. Gumaan tuloy ang kanyang pakiramdam. Gayun pa man ay di niya ito ipinakita.

"Nakauwi naman ako ng maayos, Agent Cobra. Paano mo nga pala nakuha ang phone number ko?" pinipilit niyang magsungit sa kausap pero sa loob loob niya ay nagagalak siya.

"Nakakalimutan mo ata Agent Storm, special agent din ako." Ipinagmamalaking sabi nito.

"In short, stalker ka." natatawang sagot ni Amethyst. Hinawakan niya ang nakasabit sa kanyang leeg na kwintas, ito ay may pendant na ginintuang orasan. Hindi na niya matandaan kung saan galing ito. Ang tanging alam lamang niya ay suot na niya ito simula ng... huh? Hindi na rin niya maalala.

"Miss Madrid, hindi ako stalker. Sa gwapo kong ito, gagawin mo lamang akong stalker?" pabirong tugon ni Ervin. "Hindi ba pwedeng nais ko lang siguraduhin na ligtas kang nakarating sa inyong tahanan?"

"Salamat kung gayon. Ang akala ko ay iniiwasan mo ako kanina." naalala kasi ni Amethyst ang biglaang pag alis ni Ervin kanina.

"Hindi kita iniiwasan, okay? Basta matulog ka ng maaga dahil kailangan mo ng sapat na lakas sa pagsisimula ng ating unang misyon. Pero bago iyon, kumain ka muna." tumango siya sa sunud-sunod na habilin ni Ervin. Hindi niya alam kung bakit napaka maaalalahanin nito sa kanya ngunit labis na nagagalak ang puso niya. Naalala niyang hindi pala siya nakikita nito kaya sumagot siya.

"Masusunod po, Mr. Padilla" pabirong tugon niya. "Ikaw din." pahabol niya.

"And, Amethyst..."

"Hmm...?" hinintay niyang ituloy ni Ervin ang sasabihin ngunit hindi ito ginawa ng binata. Sa halip ay sinabi nito ng huwag na lamang intindihin ang huli niyang tinuran bago tuluyan ng nagpaalam.

Ano ba ang nais niyang sabihin? Tiningnan niyang muli ang kanyang kwintas. Masiyadong maraming hiwaga ang nangyayari sa kanya ngayon, mga bagay na nais niyang magkaroon ng kasagutan.

Kung titingin sa labas ng bintana si Amethyst, sa may di kalayuan ay makikita niya ang isang nilalang na nakamasid sa kanya. Puno ng kalungkutan at sakit ang mababatid sa kanyang mukha.

"Patawad, Amihan. Ako ang may kasalanan kung bakit ka naririto sa mundo ng mga tao. Kung bakit kayo naririto. Patawad, ngunit wala akong magawa." Tuluyan ng tumulo ang luha sa mga mata ng sanggre. Binigyan niya ng huling tingin ang dating reynang papalabas na ng kuwarto para kumain bago tuluyang naglaho na parang bula ang sanggre.

Ilang metro mula sa dating kinatatayuan ng naglahong sanggre ay ang magkausap na Felicity at isa pang misteryosong nilalang. Ito ang kausap niya simula pa noong una.

"Nakuha mo na ba ang iniuutos ko sa'yo?" tanong ng nilalang na ito sa nakaluhod na si Felicity.

"Paumanhin po. Hindi ko nagawa ang inyong utos. P-pero makukuha ko rin ang kwintas sa kanya! Bigyan niyo lang po ako ng isa pang pagkakataon." pagmamakaawa niya sa kausap. Alam niyang hindi ito mag dadalawang isip na patayin siya.

"Pashnea! Mahalagang makuha o mabasag na ang ginintuang orasan na iyon!" tinutukan niya ng sandata si Felicity na agad namang ikinatakot niya. "Alam mo ba kung gaano kaimportante ang bagay na iyon? Iyon ang susi para makabalik siya sa Encantadia pagkatapos ng misyon niya dito! Bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon subalit kapag pumalpak ka pa, hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka!"

Itinulak ng misteryong nilalang sa lupa sa Felicity. "Hindi pwedeng bumalik ng Encantadia si Amihan. Hindi puwede! Masisira ang lahat ng plano ko!"

"Ngunit bakit hindi niyo na lamang po paslangin si Amethyst?" suhestiyon ni Felicity. Sa totoo lang, ayaw na niyang madawit sa gulo ng mga engkantado at engkantadang ito. Isa lamang siyang hamak na tao na may gumagambala sa tahimik niya sanang buhay. Nais na niyang matapos ang suliraning kinahaharap niya.

"Hindi maaari! Nasa kanya pa ang brilyante ng hangin. Kukunin ko ito sa kanya kapag nakatiyak akong wala na siyang pag asang bumalik pa sa Encantadia! Kaya gawin mo ang iniuutos ko sa'yo! Pashnea mo-re!"

"Masusunod po" yumuko na lamang si Felicity at hindi na nagtanong kung ano ang brilyante ng hangin para hindi na madagdagan ang galit nito sa kanya. Hinintay niyang makaalis ito bago nakahingang maluwag.

Bumalik si Felicity sa kanyang bahay at sinilip niya ang kuwarto ni Amethyst. Mahimbing na natutulog ito sa kanyang kama. Plano niyang halughugin ulit ang kuwarto nito bukas kung saan nasa trabaho si Amethyst. Isasara na sana niya ang pinto ng may makitang kumikinang na nakasabit sa leeg ng 'pinsan'.

Dali-dali siyang pumasok at simubukang kunin ang ginintuang orasan. Inikot niya ng dahan dahan ang chain at inialis sa pagkaka hook. Unti-unti niyang hinila ang kwintas ng may humawak sa kamay niya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo sa kwintas ko, Felicity?!" galit na tanong ng nagising na si Amethyst.

----------
Author's note: Lagot ka ngayon felicity! Ano ang masasabi ninyo sa mga bisita natin sa chapter na ito? XD

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon