Chapter 8: Unang Misyon

434 22 13
                                    

"... Maybe this time it'll be loving they'll find..."

Pilit kumakawala si Amethyst sa taong nagtatakip ng kanyang bibig. Siniko niya ito sa sikmura at pinilipit ang kaliwang kamay. Pagkatapos ay sinipa sa may likuran. Bago niya matignan kung sino ang unang umatake sa kanya ay panibago na naman ang umatake kung kaya't sinipa niya ito sa may binti at agad na napaluhod ang kalaban. Bago pa ito makabawi ay tinuhod na ni Storm ang mukha ng pangalawang kalaban.

Nang masiguro na ni Storm na walang malay ang dalawa ay dali dali siyang pumasok sa silid ng prinsesa. Nakita pa rin niya itong naglalaro ng chess at walang kamalay-malay na inaatake na sila ng kalaban.

"Princess! We must leave! The place is under attack!" sinabi ni Storm. Hindi na niya hinintay na matapos sa pagkagulat ang prinsesa at mabilis na hinila ito papalabas ng silid.

"Where are Calvin and the others?!" natatakot at nag aalalang tanong ng prinsesa kay Storm.

"I don't know. I'm trying to contact them but I can't. Right now, we need to find you a safe place away from here." sagot naman ni Storm. Natahimik naman ang prinsesa na siyang ipinagpasalamat ni Storm. Kailangan niya ng katahimikan para mag isip ng plano.

Natigil sila sa pagtakbo ng may apat na kalalakihan ang humarang sa kanila at agad silang pinalibutan.

"Stay close to me!" utos ni Storm sa prinsesa. Tumango naman ito bilang tugon.

Sumugod ang unang lalaki para sumuntok ngunit nakailag si Storm at siya gumanti ng suntok sa sikmura ng lalaki. Pagkatapos ay sinipa niya ang ulo nito. Sa lakas ng pagsipa ay napatalsik ang lalaki sa pangalawa niyang kasama at pareho silang natumba.

Hindi naman nag aksaya ng oras ang pangatlong lalaki at agad siyang naglabas ng baril at pinatamaan si Storm. Yumuko ang dalaga para maiwasan ito ngunit sa pag iwas niya ay nakuha ng pang apat na lalaki ang prinsesa.

"Help... Mffpph" paghingi sana ng tulong ng prinsesa ngunit natakpan na ng pang apat na lalaki ang kanyang bibig.

"Let go of her!" sigaw ni Storm at akmang susugurin ang pang apat na lalaki ngunit sinipa siya sa likod ng pangatlo. Pinigilan ni Storm ang sarili na matumba at hinarap ang taong sumipa sa kanya. Babarilin sana ulit siya ng pangatlo ngunit hinawakan niya ang kamay ng lalaki at na judo flip ito. Bagsak ang pangatlo sa sahig.

Muling lumingon si Storm sa pang apat na lalaki ngunit wala na sila ng prinsesa.

"Pashnea!" nasambit na lamang bigla ni Storm. Sinundan na lamang niya ang mga ito sa maaari nilang tinunguhan. Pagkatapos ng ilang saglit na pagtakbo ay nakatagpo niya ang head of security kasama ang anim pang body guards ng prinsesa.

"Chief Calvin! The princess was taken! We must find her!" sabi ni Storm kay Calvin. Nagulat na lamang siya tinutukan siya ng baril ng pitong lalaki.

"I-I don't understand." pagtatakang saad ni Storm sa kanila.

"We're the assassins you've been waiting for, Agent Storm. Isn't it fun? That we're all here all along?" sabi ni Calvin na nagsmirk.

Unang nagpaputok si Calvin ng baril na agad namang naiwasan niya. Sinipa ni Storm si Calvin sa may ari niya at napahiyaw ang lalaki. Sa kasamaang palad ay nagpaputok din ang anim pang lalaki kung kaya't may dalawang bala na nakadale sa kanya. Isa sa balikat at isa sa may bewang.

Napaluhod ang kaliwang tuhod niya sa sakit na nararamdaman ngunit bukod dun ay sumakit din ang ulo niya. Bigla siyang nagkaroon ng isang pangitain kung saan siya ay nasa isang silid na may trono at may tatlong nilalang maliban sa kanya ang naroon. May babaeng may hawak na latigo at nakapulupot ito sa leeg ni Amethyst. May isa pang babae na may hawak na espada at handa siyang saksakin. Ang huli naman ay isang lalaking nakatayo sa malapit sa trono, nagagalak sa kanyang mga nakikita.

Huwag ngayon, please. Pakiusap ni Amethyst sa sarili niya. Hindi niya kailangan ng mga kakaibang pangitain ngayon. Kailangan niyang tumayo at lumaban. Ngunit kahit na anong pilit niya ay nagtuloy pa rin ang pangitain. Mabuti na lamang at may isang nilalang na dumating at nakipaglaban para sa kanya habang siya'y nagkakaroon ng pangitain.

"Gaya ng aking ama, hindi ko ibibigay sa inyo ang saya ng aking pagsuko" tumayo siya sa pagkakaluhod sa sahig. "At gaya ng aking ama, mamamatay akong taas noo na hindi ako lumuhod sa kahit kanino man! Lalo na sa'yo Pirena..."

"Tandaan mo, ako pa rin ang tunay na reyna ng Lireo!" pagkasabi niya nun ay sumigaw ng Pashnea ang kausap at sinaksak siya ng espada sa may tiyan tagos hanggang likod.

"Aaahhhh!" mahigpit na kapit ni Amethyst sa ulo niya sa tindi ng sakit nito.

"Amethyst!" sigaw ng lalaki sa tabi niya. Tapos na ang laban sa paligid niya ngunit hindi pa rin tapos ang laban sa utak niya. Ilang sandali pa ay nawalan na siya ng malay na ang tanging narinig niya ay pagsigaw ni Christian sa pangalan niya. "Amethyst!"

Samantala, nagagalit si Cobra sa kanyang sarili dahil nagpaloko siya sa mga guards ni prinsesa Ieza. Nagsabi kasi ang isa sa mga ito na natagpuan na nila kung saan manggagaling ang mga assasins kung kaya't sinundan niya ito. Sinubukan niyang i-contact ang teammates niya ngunit mukhang na block na nila ang signal na gamit ng Team ACER. Nung oras na napagtanto na niya kung sino ang mga tunay na kalaban ay huli na siya.

Nabawi man niya ang prinsesa sa mga kamay ng mga kalaban ngunit nasugatan naman ng malala si Amethyst. Nasuntok niya ang pader ng ospital kung saan naka confine ang dalaga. Wala siyang silbi! Mabuti pa sina Rica at Ian, naligtas siya samantalang siya nahuli ng dating. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung hindi magiging maayos ang kalagayan ni Amethyst.

"Bago mo tuluy-tuloy na suntukin ang kawawang pader, nais ko lamang ipaalam sa'yo na gising na si Amethyst." casual na pahayag ni Rica kay Ervin habang dumaan ito sa tapat niya papuntang silid ni Amethyst.

Nagalak naman si Ervin sa narinig at agad kumaripas ng lakad papunta sa silid ni Amethyst. Naunahan pa nga niya si Rica sa paglalakad. Ngunit pagkadating niya sa silid ay agad siyang napatigil sa kanyang nakita.

Si Amethyst at Christian, magkayakap.

-----------
Author's Note: O yan! Double update! Hahaha sensya na di tugma yung chapters sa galak na na nararamdaman natin for today's episode. XD
#LirasComingYbraMihan

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon