Chapter 7: Ang Mga Nawawalang Nilalang

509 22 5
                                    

"... And have a need for more than reminiscin'..."

Hindi mapakali si Pirena sa kanyang silid. Nararamdaman niyang may mangyayari na namang hindi kanais-nais sa buong Encantadia. Nais man niyang sabihin ito sa kanyang hadia ngunit alam niyang marami pa itong iniisip lalo na't isa pa lamang siyang bagong reyna ng Lireo. Hindi lamang iyon, dahil sa walang namumuno ngayon sa kababalik lamang na kahariang Sapiro ay kinakailangan niya rin tumulong sa pangangasiwa dito.

Pagkatapos ng ilang minutong pag iisip, nagpasiya si sanggre Pirena na lumabas ng Lireo at hanapin si Mata. Si Cassiopeia ang tiyak na makasasagot sa mga katanungan niya. Palabas na sana siya ng may marinig siyang tumawag sa kanyang pangalan.

"Pirena, saan ka pupunta?" tanong ni Danaya sa nakakatandang kapatid. Pansin niya na nitong mga nakaraang araw ay palagi itong umaalis ng walang paalam.

"Bakit ba lahat kayo ay nakikialam sa kung anong gusto kong gawin?" iritadong tanong ni Pirena sa bunsong kapatid. Alam niyang dahil sa mga nagawa niya noon ay mahirap ng magtiwala ang mga kapatid niya sa kanya subalit hindi ito dahilan para sabihin niya lahat ng ikinikilos niya sa mga ito.

"Hindi ako nakikialam, Pirena. Nagtataka lamang ako kung saan ka nagtutungo." pagdidiin ni Danaya.

Hindi ito pinansin ni Pirena, sa halip ay naglaho na lamang siya at iniwan ang nagagalit na kapatid. Lumitaw si Pirena sa isang parte ng kagubatan ng Lireo, ang tahanan ni Cassiopeia.

"Mata! Naparito akong muli upang magtanong. Kailangan ko ng iyong tulong." pagtawag ni Pirena sa unang reyna ng Lireo. "Mata!"

Subalit kahit na anong lakas ng kanyang pagtawag ay hindi nagpakita si Cassiopeia. Sa pagkakataong ito ay lalong kinabahan ang sanggre. Pinagmasdan niya ang paligid sa anumang bakas na makapagtuturo sa kanya kung nasaan si Mata. Tiningnan niya ang lupa at nakita niya ang mga bakas ng isang dambuhalang pashnea. Kung hindi siya nagkakamali ay iisipin niyang isang dambuhalang ahas ang nagmamay-ari ng mga bakas na iyon.

"Ether" natatakot na bulong ni Pirena. Nakaharap na niya ang Bathalumang si Ether noon at alam niya kung anong mga kaya nitong gawin. Naglaho siyang muli upang bumalik ng Lireo para ipagbigay alam ang balita sa kanyang mga kapatid at hadia.

Pagbalik niya ay nagkakagulo na rin ang konseho. Hindi lamang si Cassiopeia ang nawawala kundi pati na rin si Imaw, ang pinuno ng mga adamyan; si Alira, ang mashna ng mga kawal ng Sapiro; at si Aquil, ang mashna ng Lireo.

"Muros, hanapin niyo ang mga engkantado at engkantadang nawawala. Huwag muna kayong sumugod! I-contact mo kami! I mean ano... Ipagbigay alam mo kaagad samin!" natatarantang utos ni Reyna Lira kay Muros. "Isama mo na sila Wahid sa paghahanap."

"Sasama din ako." sabi ni Danaya na nakagayak pandigma na. Sa mukha nito ay naghalo ang pag-aalala at galit.

"Ashti, sigurado ka ba?" may pag-aalalang tanong ni Lira.

"Sigurado ako sa gagawin ko, mahal na Reyna. Tatamaan sa akin yang mga Pashneang kumuha sa kanila! Kahit si Ether pa siya!" sa galit niya ay nagkaroon ng mahinang paglindol. "Humayo na tayo, Muros!"

Pinagmasdan ni Pirena na umalis ang kanyang bunsong kapatid. Nais niya rin sanang sumama lalo na't si Ether ang makakaharap nila ngunit may isa pa siyang kailangang gawin. Kailangan niyang magpunta sa mundo ng mga tao para tiyaking ligtas si Amihan. Para magawa niya ito ay kakailanganin niya ang susi ng Asnamon. Napamasid siya sa isa pa niyang kapatid na ngayon ay pinapalubag ang loob ni Lira.

"Alena, nais kitang makausap" sabi ni Pirena. Tumingin si Lira sa dalawa niyang ashti at nagpaalam na babalik siya sa kanyang silid.

"Ano ang iyong nais sabihin sa akin, Pirena?" tanong ni Alena.

"Alam kong nasa iyo ang susi ng Asnamon. Alam ko rin na nagpupunta ka sa mundo ng mga tao." sabi ni Pirena sa kanyang kapatid. Nagtaas ng kilay si Alena at hinintay ang sasabihin ng kanyang kapatid. "Ibigay mo ito sa akin. Kailangan kong puntahan si Amihan."

"Hindi ko maaaring ibigay ito sa'yo, Pirena. Batid mong hindi tayo maaaring makialam sa nangyayari ngayon kayna Amihan." sagot ni Alena.

"Kailangan ko silang bigyan ng babala, Alena! O baka naman wala ka na talagang pakialam kayna Amihan" pagtuksong sabi ni Pirena. Sa isang iglap, tinutukan ng punyal ni Alena si Pirena.

"Huwag mong bigyan ng malisya ang mga ginagawa ko, Pirena. Pinagsisisihan ko na ang nagawa ko sa kanila. NGUNIT... Hindi ko pa rin ibibigay sa'yo ang susi." pagkasabi nun ay ibinaba ni Alena ang hawak na punyal sa pagkatutok kay Pirena at umalis para hanaping muli si Lira.

"Hindi mo ako mapipigilan, Alena." bulong ni Pirena pagkatapis ay nagtungo sa silid ng kapatid para hanapin ang susi.

Sa mundo naman ng tao ay nagbabantay sa prinsesa ng Morocco ang Team ACER. Malapit ng matapos ang isang Linggo ngunit wala pa rin nangyayaring pagsugod.

Sa nahack ni Agent Seven ay wala pang na hire na assassin ang mga rebelde sa Morocco. Mukhang hindi na nila balak atakin pa ang prinsesa ngunit minabuti pa rin nilang maging maingat sa lahat ng oras.

Sa loob ng isang Linggo ay nagkaka-ilangan naman sina Storm at Cobra. Nagsimula ito nung gabing magkasama at magkatabi sila sa iisang kama.

Parehong dilat ang mga mata nina Ervin at Amethyst kahit na nakahiga sa kama. Gustuhin man nilang matulog ngunit hindi nila magawa sa pag aalalang may magawa sila sa katabi nila. Pareho silang nakatalikod sa isa't isa at mga naninigas.

Nangawit na si Amethyst sa ganung posisyon kung kaya't umikot siya paharap sa binata. Nasisiguro naman niyang nakatalikod ito. Ngunit sa pag ikot niya paharap kay Ervin ay umikot din pala ito paharap sa kanya dahil din sa pangangawit. Nagkagulatan pa sila at parehong napaatras palayo sa isa't isa.

Sa pag aatras ni Ervin ay nahulog ito sa kama na siya namang napansin ni Amethyst. Hinabol niya ang mga braso nito para mapigilan ang paghulog ni Ervin ngunit sa halip na mapigilan niya ito ay napasama siya sa nahulog. Napapikit na lamang siya at pagdilat niya ay nasa ibabaw na siya ni Ervin. Pareho silang napatayo.

"Ah ahem... uhm... Iinom lang ako ng tubig." pagpapaalam ni Ervin na mukhang naiinitan. Tumango na lamang si Amethyst at bumalik sa paghiga sa kama.

Namumula pa rin si Amethyst sa tuwing maiisip niya ito. Hindi niya alam na napapainom naman ng tubig si Ervin kapag naaalala niya ang pangyayari.

"Your face is red." sabi ni prinsesa Ieza habang naglalaro ng chess mag isa.

"No, it's not!" pagdedepensa ni Storm kahit totoo naman. "I'll head outside and talk to Calvin."

Iniwan saglit ni Storm si Ieza para kausapin ang head of security ng prinsesa na nagngangalang Calvin. Kakausapin niya ito para magreport sa chief ngunit ang mas higit na rason ay para makaiwas sa pang aasar ng prinsesa ng Morocco.

Pag labas ay nagtaka si Storm dahil walang mga bantay.

"Agent Cobra, report." pagtatanong niya kay Cobra sa kanyang earpiece. Ngunit wala siyang narinig na sagot.
Sinubukan naman niyang kontakin sina Agent Seven at Agent Ivy ngunit hindi rin sumasagot ang mga ito.

Babalik na sana siya sa silid ng prinsesa upang protektahan ito ng may isang taong naglagay ng panyo sa kanyang bibig at pilit ipinasisinghot sa kanya ang pampatulog.

------------
Author's note: Yay may update na! Sensya na ngayon lang. Nagpakahyper ako sa twitter para maki trend sa ating ht. Hahaha. Pero mga apwe, nakita niyo ba yung episode kanina? Juskooo yung kilig at saya abot hanggang devas!
#LirasComingYbraMihan

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon