"... Maybe this time, love won't end?"
Pagkatapos ng isang araw ng paghahanap ay sa wakas natagpuan na ni Pirena kung saan nakatago ang susi ng Asnamon. Kasalukuyan niyang hinahanap ang tahanan ni Amihan sa mundo ng mga tao. Nang siya ay makarating sa lugar na tahimik at walang tao sa paligid, nilabas niya ang brilyante ng apoy at humiling dito.
"Brilyante ng Apoy, ituro mo sa akin kung nasaan si Amihan."
Nanatiling walang ginagawang kahit na ano ang brilyante ng apoy. Tila naging bingi ito sa utos ng tagapangalaga ng brilyante. Inulit ni Pirena ang utos subalit hindi pa rin sumunod ang brilyante. Sa galit ni Pirena ay nagbato siya ng bolang apoy sa isang puno at ito'y nagliyab. Dahil sa pagliyab nito ay naka agaw pansin ito sa babaeng dumaan sa may parteng iyon na saktong nakita ang paghagis niya ng apoy. Hindi pa humuhupa ang galit ni Pirena ng magulat siya at may tumutok na baril sa kanyang noo.
"Sino ka at bakit ka may kapangyarihan?" tanong ng babae.
"At talaga namang ang lakas ng loob mong kalabanin ako." nakangising sagot ni Pirena.
"Hindi ka naman espesyal para katakutan ko." sabi ng kausap na umirap pa.
Nagsukatan ang dalawa ng tingin hanggang sa maisip ni Pirena na walang kwentang makipagusap sa isang hamak na taga lupa. Kinabig niya ang kamay ng babae na may hawak na baril subalit mabilis itong nakaiwas at binigyan siya ng isang malakas na sipa. Mabuti na lamang at nasalag niya ito sa pamamagitang ng kanyang kanang bisig. Gamit ang kaliwang kamay, hinila niya ang paa ng babae para matumba ito ngunit nag tumbling ang ang kalaban para di matumba.
"Pashnea! Wala akong panahon sa'yo!" sigaw ni Pirena pagkatapos ay binato niya ang babae ng bolang apoy ngunit mabilis pa rin itong nakailag.
Sinunod sunod niya ang pagbato ng apoy at kahit magaling umiwas ang kalaban ay natamaan pa rin ito ng apoy sa may balikat. Hindi naman ito kumalat sa buong katawan niya dahil agad namatay ang apoy. Gayun pa man ay napasigaw siya sa sakit ng pagkasunog ng kaniyang balat. Hindi naman ito binigyan ng importansya ni Pirena sapagkat ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang mahanap si Amihan. Dumaan siya sa gilid ng babae ng bigla itong tumayo at may itinusok sa kanya. Tumingin siya sa kanyang pulso kung saan nakita niyang may karayom na nakatusok dito. Unti-unting nanghina si Pirena at napaluhod sa lupa.
"Anong ginawa mo sa'kin?!" galit na tanong ni Pirena. Hindi niya maigalaw ang buong katawan niya.
"Ang karayom na tinusok ko sayo ay may lason. Bihasa ako sa paggamit ng lason." tugon nito. Nakita ng babae ang takot sa mata ni Pirena kung kaya'y umirap siya. "Hindi lahat ng lason ay nakamamatay. Ang iba ay para lang hindi ka makagalaw pansamantala."
Lumuhod din ang babae at inalis ang karayom sa may pulso ni Pirena. Nanghihina na din siya, kailangan malunasan ang sunog sa balat niya ngunit may tungkulin muna siyang dapat asikasuhin. Kailangan niyang tumawag ng saklolo sa mga ka team niya kung sakaling mawalan siya ng malay.
Nasa oras ng pagtatanong si Ervin kung pwede ba niyang maging kasintahan si Amethyst ng tumunog ang cellphone ng binata. Hindi niya muna ito pinansin at hinintay pa rin ang inaasam niyang matamis na oo ng iniibig niya.
"Hindi mo ba sasagutin ang tumatawag sa'yo?" tanong ni Amethyst.
Napapikit na lamang si Ervin sa inis sa taong tumatawag sa kanya. Andun na eh! Sasagutin na ako! Hindi ba pwedeng bukas ka na tumawag, kung sino ka man?
Nagrereklamo man siya sa kaniyang isip ay tumayo siya at sinagot pa rin niya ang tawag. Hindi na nga niya tiningnan kung sino.
"Hello?" iritadong pagsagot niya. Wala siyang pakialam kung sino ang nasa kabilang linya.
"Ba't ngayon ka lang sumagot?! May emergency ako!" iritado rin na tugon ni Rica.
"Pashnea! Bat ako ang tinawagan mo? Nasaan si Ian?" nasapo na lang ni Ervin ang noo niya. Nagtataka namang nagmamasid si Amethyst sa kanya.
"Anong pashnea? Anyway, ikaw ang partner ko kaya responsibilidad mong tulungan ako." sabi nito pagkatapos ay sinabi niya kung nasaan siya at ibinaba na niya ang linya.
"Anong nangyari? Si Rica ba yun?" tanong ni Amethyst na bakas ang pag aalala sa kanyang mukha.
"Humihingi siya ng tulong kung kaya't kailangan ko siyang puntahan." sabi ni Ervin. Kinuha niya ang kanya susi sa kotse sa may lamesita.
"Sasama ako." hawak ni Amy ang braso ni Ervin.
"Huwag na. Babalik din ako kaagad, pangako." pagkasabi nito ay hinalikan niya sa noo si Amethyst at umalis.
Halos dalawang oras din na naghintay si Amethyst bago nakarating ng bahay si Ervin. Ngunit sa pagpasok niya sa bahay ay hindi siya nag iisa, buhat-buhat niya ang isang babaeng nakasuot ng pulang damit at walang malay. Hindi pa niya tanaw ang mukha nito dahil natatakpan ito ng kanyang buhok.
"Sino siya, at saan mo siya dadalhin?" tanong ni Amethyst kay Ervin. Lumingon naman ang binata sa kanya bago may pinindot na isang bagay sa may malaking larawan pang display sa dingding. Bumukas ito at tumambad sa kanya ang isang hagdan pababa.
"Sa basement" nagsimulang bumaba ng hagdan si Ervin habang nakasunod si Amethyst. "Huwag kang mag-alala, hindi ko siya sasaktan. Ikukulong ko muna siya pansamantala hangga't hindi pa niya nasasagot ang mga tanong ko. Kakaiba kasi ang kinuwento sa akin ni Rica. Hindi sana ako maniniwala subalit nadatnan ko ng sunog ang paligid gayundin ang balikat ni Rica."
"Sunog?" di makapaniwalang tanong ni Amethyst. "Nasunog ang balikat niya? Ayos na ba siya?"
"Nasa ospital siya ngayon, tinawagan ko si Ian para naman may kasama siya." sagot niya habang iniupo niya sa isang upuan ang babae at itinali ang kamay nito sa likod ng upuan. "Huwag kang mag alala dahil ligtas si Rica. Malakas yun"
Sa halip na mabawasan ang pag aalala ni Amethyst ay lalo itong nadagdag ng makita ng mabuti ang mukha ng babae.
"Pirena?!" gulat na sabi ni Amethyst. Siya ang babae sa pangitain niya noong isang linggo. Ang babaeng sumaksak sa kanya para maging Reyna ng Lireo. Tunay siya? Tunay ang lahat ng iyon?!
Naguluhan naman si Ervin sa inaasal ni Amethyst. Gulat at takot ang mababakas sa mukha ng magandang dalaga. Na para bang hindi ito makapaniwala na nakikita niya ang babaeng kaharap nila at tinawag itong Pirena. Inaamin niya na noong una niyang makita ang babaeng ito ay nakaramdam siya ng pagkakakilanlan. Sa tingin niya ay kilala niya ito ngunit hindi niya sigurado. Ngayon naman ay kilala rin pala ito ni Amethyst. Lalo siyang naguluhan ng gumising ang babae at gulat din na nakatingin sa kanila.
"Amihan? Ybrahim?" sambit nito. Ang gulat sa mukha niya ay napalitan ng saya. "Sa wakas ay natagpuan ko kayo! Mabuti at nahanap niyo na pala ang isa't isa. Ngunit Amihan, kailangan na natin magbalik sa Encantadia."
-----------
Author's Note: Ang taray ni Rica, ang daming supernaturals na namimeet XD Guys, naguguluhan na ba kayo sa story ko? Gusto ko lang sabihin na may maliliit na clues akong iniiwan bawat chapter. Kung may mga tanong kayo about past chapters, itanong niyo lang. Kapag di ko sinagot, ibig sabihin spoiler. Hahaha#KeepTheFaithYbraMihan
BINABASA MO ANG
Maybe This Time
FanfictionThis is a FanFiction of the love story between Prinsipe Ybrahim and Reyna Amihan of Encantadia. Buong buhay ni Amethyst ay pakiramdam niya na may kulang, na ang lahat ng nangyayari sa kanya ay pawang kasinungalingan lamang. Masagot na kaya ang lahat...