Chapter 17: Bagyo

1.2K 45 55
                                    

Sa may balkonahe ng isang malaking bahay na gawa sa kahoy, nakatayo si Amethyst. Bitbit bitbit niya ang isa sa kambal na si Erhys habang nasa isang stroller naman si Amervin.

Kanina pa niya hinihintay si Ervin na dumating ngunit ni anino ng binata ay hindi niya makita. Hindi naman niya iniisip na tinakasan siya ni Ervin sapagkat hindi naman alam ng binata na nagbuntis siya at ngayon nga ay nagsilang na. Hindi pa rin bumabalik si Rica mula sa pagpapaalam nito na paghahanap kay Ervin.

Isa pa ay nababahala din siya sa kung anong simbolo ang umilaw sa magkabilang braso ng mga anak niya. Sa kaliwang bahagi ay naroon ang imahe ng isang ahas habang sa kabila naman ay ang imahe ng isang paru-paro. Nawala rin ito pagkalipas ng ilang segundo ngunit natitiyak ni Amethyst na may ibig sabihin ang mga simbolong ito.

Naputol ang kanyang pag aagam agam ng may marinig na katok mula sa pintuan. Nagpasiya si Amethyst na iwan muna ang kambal sa may silid tulugan bago pinagbuksan ang kumakatok.

"Ian?" gulat na tanong ni Amethyst.

"Amy, tulungan mo ako." pakiusap ni Christian. "Hindi ko na kayang pigilan!"

"Ang alin?" sinubukan ni Amethyst na hawakan sa balikat si Ian ngunit tinulak siya nito. "Ian! Ano bang nangyayari sa'yo?!"

"Hindi mo naiintindihan! Nilason niya ang pagkatao ko!" sigaw ni Ian habang hawak ang kanyang ulo at para bang nais sabunutan ang sarili. Lumingon ito kay Amethyst at hinawakan sa magkabilang braso. "May utos... kambal... kukunin!"

Natakot naman si Amethyst sa kanyang narinig. Inalis niya ang kamay ni Ian sa mga braso niya at dali daling tumakbo paakyat ng hagdan. Pagkabukas niya ng silid tulugan ay may nakita siyang isang babaeng nakasuot ng itim na kalasag at may hawak ng isang malaking tungkod. Gamit ng babaeng ito ang tungkod upang palutangin ang kambal malapit sa kanya.

"Avisala, Amihan! Ako nga pala si Adhara. Naalala mo pa ba ang diwatang pinatay mo?"tanong nito na may halong pang asar na ngiti.

"Bitawan mo ang mga anak ko ngayon din!" galit na sabi ni Amethyst.

Papasok na sana siya ng kuwarto ngunit tumalsik siya ng tumama ang katawan niya sa isang di makitang harang sa may pintuan. Agad siyang tumayo at nagkakalampag sa harang ngunit hindi ito nawawala.

"Nakakatuwa kang pagmasdan, Amihan. Diwata ka man o tao, ang mga anak mo pa rin ang iyong kahinaan." pagkasabi nun ay nawala siyang parang bula.

Nanlumo naman si Amethyst ngunit hindi siya sumuko. Alam niyang hindi pa tuluyang umaalis ang babae kaya't tumatakbong sinundan niya ang presensiya nito. Sa pagsunod niya ay nakalabas na siya ng bahay papuntang bakuran kung saan nandoon nakatayo si Ian at kausap na ang babae. Tumingin ito kay Amethyst at naglaho ng muli.

"Ibalik mo sa akin ang mga anak ko, Pashnea!!!" Galit na sigaw ni Amethyst.

Muli sanang susunod si Amy sa babae ngunit humarang sa kanyang dadaanan si Ian.

"Tumabi ka!" patuloy niyang pagsigaw. Ngunit parang bingi ang kausap dahil sa halip na tumabi ay lalo lamang hinigpitan ang hawak sa kanya. Hindi na nakayanan ni Amethyst na kontrolin ang sarili kaya naitulak niya ng malakas si Ian at tumilapon ang binata sa may gate ng bahay ni Ervin.

Hindi na niya tiningnan ang kalagayan ni Ian. Isinumpa na niya sa kanyang sarili na hahabulin niya ang sino mang nilalang na tumakbo kasama ang kanyang mga anak. Nakarating na siya sa may mapunong lugar kakasunod sa presensiya ng nilalang.

"Magpakita ka sakin! Ilabas mo ang mga anak ko!"

Ngunit sa halip na ang nilalang na hinahabol niya ang magpakita, si Ian ang tumambad sa paningin niya. Laking gulat ni Amethyst ng unti-unting magbago ang anyo ng binata.

Maybe This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon