"O ano ngayon? Edi ikaw din ang natalo di ba?" -Migz
"Ang sabi nya walang magbabago, ang sabi nya magkaibigan pa din daw kami!"
"O edi syempre pumayag ka! Tanga ka eh!"
"Tanga na kung tanga Migz, mahal ko na eh, mahal ko na kasi."
"Susss Cairo, unahin mo sarili mo bago ang iba! Hindi ka pa ba natututo sa mga ginawa sayo ni Clyde, at ngayon eto ni hindi nga kayo pero tingnan mo pinagtutuunan mo ng pansin may syotang iba! Ano yan Cairo, yung buto na dinilaan ng ibang aso didilaan mo din? Aba e matindi!"
"Migz Mahal ko eh!"
"Mahal ka ba????"
"Siguro, ewan ko!"
"See, di ka sigurado kasi nga sakanya wala naman talaga!"
"E ano yung mga ginagawa nya? Yung mga pinapakita nya sakin? Yung mga sinasabi nya sakin? Alam mo yung sa isang yakap lang sayo, yung mga bagay na hindi kayang sabihin ng bibig mo pero sa isang yakap lang sayo ng tao alam mo na kung ano ang ibig sabihin."
"O edi sige, pagpatuloy mo! Pagpatuloy mo pagiging tanga mo, baka dyan kung sakali manalo ka ng award! Best Tanga Ever!"
"Masakit yun ahhh, Tangnamo ahhh!!!"
"O e bakit ako?"
"O edi tangna nya!"
"Ay naku Cairo, kaibigan kita halos kapatid na nga kita, kaya mag isip ka!! Kung alam ko lang na ganyan kabilis lahat ng mangyayari edi sana pala hindi na kita tinulungan na makakita ng bahay dito!"
"Oo na ako na, ako naman talaga ang mali! Ako ang tanga!"
"Cairo, wag kang umarte na parang ikaw ang biktima dahil ang biktima dito ay ang jowa ng Ken na yan hindi ikaw! O ngayong alam mo na na may syota si Ken! Ano?"
"Letse ka Migz ahh! Kanina ka pa ahh!"
"E nagsasabi lang ako ng totoo!"
Tama naman talaga si Migz eh, tama sya! Ngayong alam ko na ang totoo!! Itutuloy ko pa ba toh? Oo mahal ko na si Ken pero paano? Ako lang ba ang magmamahal, pero tang*** nasasaktan ako eh!
Hayop ka Ken! Kaya pala di mo masagot lahat ng tanong ko sayo! May tinatago ka pala, hinayaan mo kong mahulog at umasa sa wala.-------------------
Ken's POV
"Kaninong kwintas to?" -Franz
"A-ano sa-sakin yan di ba? Matagal na yan dyan!"
Fu** naiwan ni Cairo kwintas nya! Kailangan ko malusutan toh!
"Ken, wag mo ko lokohin sino dinala mo dito?"
"Sakin nga yan Franz! Matagal na yan nakita ko dyan sa may bag ko kaya nilagay ko dyan!"
"Bakit nabago yung pagkakalagay ng mga plato? Yung remote ng TV? Yung ayos ng flower vase, yung pwesto ng bag ko?"
"Suss Franz, ayan ka na naman, tamang hinala ka na naman! Di ba ko pwede kumain dito? Di ako pwede manood ng TV? Di ako pwede maglinis? Palagi ka nalang ganyan Franz! Pinagbibintangan mo ko sa mga bagay na hindi ko naman ginagawa o baka gusto mo totohanin ko nalang para pagbintangan mo man ako sa kasalanang di ko ginawa eh atleast mapanindigan ko!"
"Subukan mo Ken! Subukan mo!!!"
"Para ka kasing timang Franz, lahat nalang! Lahat nalang!"
"Basta Ken, may mali! May mali!!!!"
"Ewan ko sayo!"
"San ka pupunta????"
"Aalis muna!!"
BINABASA MO ANG
Paano kung ang isang Stranger ay ma-meet ang isa pang Stranger? Paano mo itatama ang isang mali? Magagawa mo bang tanggapin at pagsamantalahan ang isang bagay? Magagawa mo bang gawing kaligayahan ang kalungkutan ng iba? Find out here to this Story...