"Walang nagbago sakin Clyde! Hindi ako ang nagbago! Sadyang ganito lang talaga ako sa mga taong di marunong magpahalaga sa akin!"
"Wow!!! Ang lalim naman nun Cairo, so are you saying na wala akong pakealam sa'yo?"
"Dont put that words into my mouth."
"Ngapunta ko dito kasi gusto kita hanapin, gusto kita sundan Cairo, gusto ko ibalik yung dati, yung dating tayo Cairo."
"Wala ng babalik sa dati Clyde, masyadong malalim ang sugat na ginawa mo sa akin, kaya wala ka ng Cairo-ng babalikan."
"Bakit may iba na ba?"
"Meron Clyde!"
"Sino?"
"Hindi mo din siya kilala."
"Sino nga?"
"Si Ken! Kennedy Dela Merced Chua!!"
"Ken???? Kennedy Dela Merced Chua????? Sigurado ka???? Si Ken???? Ang hilig mo pala sa Chua!"
"Bakit???"
"Wala! Di ko sya kilala, e hindi ba Chua din ang Middle Name ko."
------------------
Clyde's POV
May tuwang kung ano sa puso ang nanggagaling ng makita ko ulit si Cairo, eto kasama ko pa, pero ganun na ba kasama ang tingin sakin ni Cairo?
Hindi na ba nya ako kayang patawarin?
Hanggang ngayon ay si Cairo pa din ang mahal ko, walang nagbago dun, sya ang dahilan kung bakit ako nandito, pero halos madurog ang puso ko sa sinabi nyang si Ken! Na si Ken---- Kennedy Dela Merced Chua ang Boyfriend nya ngayon! Sobra ako nasasaktan ngayon, dahil si Ken, dahil si Ken ang kapatid ko kay Mama.
Hindi alam ni Cairo ang tungkol sa kung anong relasyon ko kay Ken dahil hindi ko naman ito pinakilala o binanggit sakanya.
Pag nga naman pinaglalaruan ka ng tadhana sobrang liit naman ng mundo para saming tatlo.
Kapatid ko pa pala ang taong ipapalit sakin ni Cairo mas lalong masakit eh! Mas doble yung sakit.
Hindi kami ganun ka close ni Ken dahil lumaki sya sa tatay nya at lumaki naman ako kay Mama, bihira lang kami mag usap, si Ken ang kumuha sakin dito gawa ng pakiusap ng Mama namin, Mas matanda sakin si Ken ng dalawang taon.
-----------------
"Nandito na tayo sa Santorini! San ka ba dito."-Cairo
"Dito nalang susunduin naman ako ni Pareng Michael!"-Clyde
"Sigurado ka?"
"Oo naman, e bat kanina kapa tahimik!"
"Wala may naisip lang ako, sya nga pala pwede ko ba kunin number mo?"
"Ohh eto calling card ko, tawagan mo nalang ako pag kailangan mo ng tulong pero pag sa ibang bagay wag mo na ko abalahin."
"Si--sige salamat."
"Okay ingat ka!"
"Mga Pare! Gian, Migz salamat ahh, ingat kayo! Cairo.. ingat ka!"
"Sige..."
-------------
Nabigla ako sa mga nangyari, hindi ko alam kung tama ang mga salitang binitawan ko kay Clyde, hindi ko alam kung pano ko sya ba dapat kausapin at pakitunguhan, matagal na ang namagitan saming dalawa pero hindi ko pa din maiwasan na hindi maramdaman ang sakit noong kami pa sa mga bagay na ginawa nya sa akin.
Kaya hindi ko alam kung tatanggapin ko ba ulit si Clyde sa buhay ko o isasarado ko na ang puso ko para kahit kanino hindi ko na maranasan ang umasa at masaktan. Masyadong marami na ako pinagdadaanan, masyadong marami na ang bagay na tumatakbo sa isip ko, hindi ko alam kung ano ang mga bagay na dapat unahin ko, pero ang alam ko lang kailangan ko ayusin ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Paano kung ang isang Stranger ay ma-meet ang isa pang Stranger? Paano mo itatama ang isang mali? Magagawa mo bang tanggapin at pagsamantalahan ang isang bagay? Magagawa mo bang gawing kaligayahan ang kalungkutan ng iba? Find out here to this Story...
