"Pasensya na Migz naabala kita." -Clyde
"Okay lang, ano ba yung itatanong mo? Parang napaka importante naman yata nyan at kailangan mo pa makipag kita sakin." -Migz
"May gusto lang sana ako malaman."
"Tungkol saan?"
"Hindi tungkol saan... tungkol kanino!"
"Ohh okay mukang alam ko na, tungkol kay Cairo? Mabuti pa sya nalang ang kausapin mo dyan Clyde."
"Migz.. wait.. wait, di pwede malaman ni Cairo toh! May tiwala ako sayo Migz kaya sayo ko sasabihin ito dahil alam kong kaibigan ka ni Cairo."
"Huh??? Ano ba yun Clyde?"
"Migz, kapatid ko si Ken, kapatid ko si Kuya Ken Dela Merced Chua."
"😱😱😱😱😱😱😱 pa-panong nangyari yun? Si Ken na pogi? Yung mestiso na matangkad?"
"Oo Migz, kaya wag mo sasabihin ito kay Cairo, gusto ko lang malaman kung ano ang meron kay Cairo at Ken."
"Pano mo nalaman ang tungkol kay Ken?"
"Sinabi sakin ni Cairo, may Boyfriend daw sya at si Ken yun!"
"Hala ayy paktay na ayy!"
"Ba-bakit anong alam mo Migz? Sabihin mo sakin please?"
"Clyde, si Cairo nalang ang tanungin mo."
"Alam ko Migz alam mo? Please sabihin mo sakin."
"Okay,,, sige sasabihin ko sa'yo pero wag mo sana ipapaalam to kay Cairo, kahit na alam kong niloko mo at sinaktan ang kaibigan ko."
"Migz, maniwala ka sakin, hindi ko niloko si Cairo."
"Clyde, kitang kita ko ang mga ginagawa mo noon, at alam din ng ibang tao na nakakita sayo kung ano ang mga ginawa mo."
"Oo Migz, pero may dahilan lahat ng yun, may dahilan lahat kung bakit ko yun nagawa."
"At anong dahilan Clyde? Clyde masyadong nasaktan at nahirapan si Cairo, at alam ko lahat ng yun, alam ko lahat lahat ng pinagdaanan ni Cairo, ako ang nasa tabi nya nung mga panahong sobrang sakit ang nararamdaman nya, kaya pano ko maniniwala sayo at sa mga dahilan mo kung kitang kita ko ang pinagdaanan ni Cairo."
"Migz, ayoko malaman ni Cairo ang dahilan ng lahat ng yun, alam ko Migz na nasaktan ko si Cairo, kaya nga ako nandito, kaya ako sumunod kay Cairo."
Inilahad ko kay Migz ang lahat ng nangyari ang lahat ng dahilan kung bakit, hindi ko alam kung naniniwala sakin si Migz pero yun ang totoo, ayoko isipin ni Migz na ginagawa ko to para makuha ulit si Cairo, ayoko saktan si Cairo, ayoko sya masaktan kay Kuya Ken, at alam ko na masasaktan si Cairo kapag nalaman nya ang totoo, ang tungkol sa amin ni Kuya Ken.
"Kung talagang mapilit ka Clyde sige sasabihin ko sa'yo! Wala sila naging relasyon ni Ken pero nagkakaintindihan silang dalawa, hindi lang pwede mangyari ang tungkol sa kanilang dalawa dahil hindi pwede!" -Migz
BINABASA MO ANG
Paano kung ang isang Stranger ay ma-meet ang isa pang Stranger? Paano mo itatama ang isang mali? Magagawa mo bang tanggapin at pagsamantalahan ang isang bagay? Magagawa mo bang gawing kaligayahan ang kalungkutan ng iba? Find out here to this Story...
