Chapter 10 (Clyde and Cairo)

210 11 1
                                        

"Kaw talaga Gian bat ka ganyan kay Migz haha."- Cairo

"Oh bakit ala naman ako ginagawa ahh haha, Love na love ko kaya yan!" -Gian

"Hay nako Cairo, sanay na ko dyan! Napaka bully!"

"Nakakatuwa naman kayo, para kayong mga bata, sana wag nyo sasaktan ang bawat isa, be happy!"

"Ayyy friend! Hugot na hugot ahh! Gian and I are always here for you!"

"Sya nga naman Cairo, andito lang kami ni Migz! Saka sino ba naman ang di maiinlove sayo, sa pogi mong yan! Kuppoooo!!! Kung di ko lang Boyfriend tong si Migz baka isa ko sa mga maiinlove sayo!"

"Ahhh ganun ganun ahh... balak mo pa kami tuhuging dalawa ni Cairo!"

"Hahaha, mga sira.!"

"Oi Cairo?!! Okay ka lang ba?"-Migz

"Oo naman, ako pa ba?"

---------------

Honestly di ko alam kung ano ba ko ngayon? Kung ano ang una kong dapat na gawin, Kasi di ko maiwasan na hindi isipin na hindi ako nasasaktan sa mga nangyari at nalaman ko, ang dali dali at ang bilis ng mga pangyayari, in just a few months, ang daming nangyari at ganun ako kadaling nahulog sa isang taong di ko lubos na kilala.
Kung wala lang para kay Ken ang lahat, bakit iba ang kinikilos nya sa mga pinakita nya sakin.
Gusto ko gumanti, gusto ko siraan sila ng Boyfriend nya, gusto ko masira sila, gusto ko gantihan si Ken! Pero iniisip ko palang parang hindi ko kayang gawin.
Dahil kung tutuusin wala namang kasalanan dito yung Boyfriend nyang si Franz, dahil kung iisipin si Franz talaga ang biktima, tama si Migz sa mga sinabi nya sakin, hindi ako ang tunay na biktima kundi si Franz pero ano ako? Paano naman yung nararamdaman ko? Hindi naman ako laruan, hindi naman ako nakipaglaro lang, at may pakiramdam din naman ako!

Sinubukan kong kontakin si Ken pero hindi ko na sya makontak, gusto ko lang naman sana sya makausap at ibigay ang isang bagay na binili ko para sakanya kung sakaling mainlove ako sakanya ay ibibigay ko yun pero hindi ko na magawa.
Dahil simula ngayon ay wala ng Ken!
Maghapon ko kinulong ang sarili ko sa loob ng kwarto para mag isip, para bigyan ng oras ang sarili ko sa mga bagay na naganap.
Pero ang ending nasasktan pa din ako!
Ayoko ikulong ang sarili ko sa ganong pangyayari at kailangan ko tanggapin yun!
Kayang tanggapin ng isip ko pero hindi kaya ng puso ko! Masyado ako naattached kay Ken! Kaya ako ngayon ang nagsusuffer!
Talo ka na naman Cairo! Palagi ka nalang talunan.
May galit ba sakin ang mundo?
Ako ba ang masama?
Ang dami daming tanong sa isip ko pero iisa lang naman ang hinahanap ko at alam kong si Ken yun.

-------------------

"Cairo asan ka na?"-Migz

"Papunta na ko dyan, hintayin nyo na ko ni Gian!"

"Bilisan mo nagugutom na kami ni Gian."

"Oo eto na nga ohh!"

Matapos ang isang linggong pagdadrama ko sa buhay sinubukan kong kalimutan si Ken, Migz and Gian, isa sila sa nakakatulong sakin para kahit papano ay di ako makapag isip ng mga bagay na magpapabalik ng sakit na nararamdaman ko.
Pero akala ko matatapos na ang lahat o mababawasan ang mga bagay na iniisip ko pero mali pala ako, dahil may isang taong nagbabalik sa buhay ko.

"Uhmmm... Gian, Migz, CR lang ako ah!"

"Okay sige, patapos na din kami dito, bilisan mo ahh punta pa tayo sa santorini!"

"Ano naman gagawin natin dun? Baka makita pa ko ni Ate Charlene!"

"Basta... sige na wag na madaming tanong!"

--------------

I was inside the cubicle of the bathroom, pero paglabas ko ay nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Totoo nga ang sinasabi nila Gian at Migz.

WeChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon