Chapter 1

145 4 1
                                    

November 2015

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

November 2015

Aaron

May mga tao talagang dumadating sa buhay natin

Na magdadala ng saya, pagbabago at bagong pananaw

Sa di inaakalang panahon, oras at sitwasyon

May magmamahal talaga sa atin

Sino man tayo...

Lahat tayo ay may nakalaan,

Di na kailangan hanapin,

Kusang darating yan

Kailangan lang natin malaman

Na eto na pala yun.

Pang pitong pahid ko na yata sa mukha ko ng panyong amoy CKOne, patuloy parin ang daloy ng pawis ko at parang nagpa-fog na yata ang suot kong eyeglasses. Kinuha ko ito at pinunasan ng panyo sa pang apat na beses mula nang pumasok ako sa simbahan.

Maaligamgam parin kasi ang hangin na dumadampi sa pisngi ko galing sa electric fan na nakakabit sa isang pillar sa loob ng simbahan. Maraming bintelador sa loob, marami nga lang kasing nagsisimba kaya hindi sapat ang hangin na nagpapabalik-ikot sa ilang daan taong nagpapaka banal o may mga sariling pinapanalangin o talaga lang madalas silang nagsisimba. Di ko na kasi alam ang mga rason ng mga tao kung bakit sila nasa simbahan. Ni ako kung tanungin mo ngayon, siguro mapapaisip pa ako bago makasagot.

Kahit na sa bahagyang likuran ako nakaupo, malapit sa pinto kung saan mas maaliwalas ang hangin; malapit na mag Disyembre kaya medyo may kalamigan na ang hangin, sa labas. Pero dito sa loob, kung saan ako nakaupong mag-isa sa paligid ng napakaraming tao, halos mabasa na ang makulay kong t-shirt; bagong ligo pa naman ako.

Nakatayo kaming lahat; kakasimula lang kasi ng misa at kitang kita ko ang pari sa taas ng pulpito, kahit na medyo hindi maintindihan ang kanyang pinagsasalita kasi may kalakasan ang echo ng sound speakers.

Umikot ang paningin ko sa paligid ko, nagbabakasakaling makakita ng pamilyar na mukha. Kaso wala. Pero may isang tshirt na namumukod taning nakita ko sa bandang harapan, isang tshirt na kapareho ng ibinigay ko sa kanya nang minsan siyang nabasa ng ulan.

Kahit nakatalikod, alam ko namang hindi siya yun. Malamang. Malayo kasi ang tinitirhan niya dito at alam kong hindi cya magbabyahe para lang magsimba dito. Ako nga'ng may kalapitan lang ang bahay ay ilang taon din hindi pumapasok sa simbahang ito.

"Tama na kasi Aaron. Di mo na siya dapat makita pa. Move on na kasi." Pilit kong pagsabihan ang sarili ko at halos di ko na namamalayan na paupo na pala ang mga kasama kong nagsisimba. Umupo na rin ako. Di ko naririnig ang misa, bumabalik ang aking isipan sa isang hapong tulad rin nito. Medyo mainit, sa mismong lugar na kinauupuan ko ngayon. Yun nga lang, kasama ko pa siya noon.

MOVE ON NA KASITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon